Ang mga simlpeng gawaing ito ay nakapagpapalakas ng puso. Ang puso ay isang kalamnan at tulad ng ibang kalamnan pag ito’y nahaharap sa pageensayo’t ehersisyo ito’y lumalakas. Ang pagpapalakas ng puso ay nakatutulong sa pag-iwas ng sakit tulad reuma sa puso, pagtaas ng presyon at iba pa. Bukod pa rito nakatutulong din ito sa pagbabawas ng kolesterol sa mga malalaki at maliliit na ugat, nakapagpapatibay ng baga, nakababawas sa antas ng asukal sa ating dugo, nakapapapatatag ng buto at maaaring makaiwas sa osteoporosis o pagkakuba. Nakokontrol din nito ang ating timbang, kung ikaw ay sobra sa timbang, inaanyayahan kang magehersisyo upang maging balanse ang pangangatawan. Ang regular nga na pageehersisyo ay nakapagbibigay sa tao ng enerhiya, nagiging mas malakas ang isang tao at maliksi. Sinasabi ring nakadadagdag ng emosyonal na kagalingan sapagkat karamihan ng mga gumagawa nito ay nakararamdam ng pagiging kalmado at payapa.
Sa makatuwid, mahalaga ang pageehersisyo upang ang kalusugan ng katawan ay mapagingatan. Tamang ehersisyo at pagkain tulad ng gulay, prutas, gatas at iba pa isama mo narin ang sapat na tulog at pahinga.
- Kung masyado po mahaba kunin niyo nalang po yung important sa sagot :>