Explanation:
bionote. Ito ay talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon tungkol sa may-akda sa Ioob ng karaniwa’y dalawa hanggang tatlong pangungusap o isang talata lamang na madalas ay kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng taong pinatutungkulan (Word-Mart 2009). Isinusulat ang bionote upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sandaling panahon ng pagbasa. Tinitingnan ang bionote bilang “bio” o buhay at “note” o dapat tandaan, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na dapat tandaan.