Answer:
2Sa bawat araw na dumaraan, nahaharap ka sa iba’t ibang gawain na dapat mong tuparin. Napakaraming takdang kailangang gawin sa paaralan. Napakaraming gawain sa sariling tahanan. May mga obligasyon ka sa iyong sambahan atpamayanan. Naghahanap ng panahon at atensyon ang iyong mga kaibigan. Marahil sa mga pagkakataon na ikaw ay nakararamdam na ng pagod, tinatanong mo na ang iyong sarili kung paano mo ang iyong katawan. Ngunit sabi ng isang linya ng awitin, ”Ganyan talaga ang buhay...”.
Nasubukan mo na bang ihalintulad ang iyong sarili sa isang batang nagtitinda ng sampagita sa simbahan pagkatapos niyang pumasok sa paaralan? Nasubukan mo na bang kausapin ang isang tinedyer na nagbubuhat ng mabibigat na sako ng gulay sa Divisoria sa gabi? Nailagay mo na ba ang iyong sarili sa katayuan ng isang tinedyer na nasa lansangan; dala-dala ang sanggol na kapatid at kumakatok sa mga bintana ng sasakyan upang manghingi ng pera o pagkain? Mas mahirap hindi ba?
Pero hindi nagrereklamo ang karamihan sa kanila at tinatanggap ang mga ito bilang kanilang obligasyon sa kanilang pamilya. Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan ang iyong edad ay nadaragdagan din ang iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba’t iba mong tungkulin? Hayaan mong tulungan ka ng babasahin na ito.
1. Ang Tungkulin sa Sarili. Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga bagay na dapat mong bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili.
a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata.
Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, nahaharap ang isang tinedyer sa iba’t ibang mga pagbabago. Napagaralan sa nagdaang aralin ang mga ito. Huwang mong hayaang bumaba ang iyong tiwala sa sarili. Sa halip gamitin mo itong pagkakataon upangmas mapagyaman ang iyong sarili. Kailangang magsimula ka nang tama. Dito nakasalalay ang tagumpay ng pagharap sa mga susunod pang yugto ng iyong buhay. Ito rin ang makatutulong upang maging maligaya ka sa iyong pamumuhay.