Sa aking minamahal na ama,
Hatid ko sa inyo kasama na rin si ina ang aking pasasalamat para sa inyong pagpapalaki at pagpupursige sa akin. Kahit na ako po ay mahirap pagsabihan o matigas ang ulo, pinagsisikapan ninyo po akong patinuin. Sa aking mga kasalan inyo pong dinadaan sa palo ng pagpapaalala o sa pagsasabihan at usapan ng pag-aabot sa puso. Patuloy na suporta, pagmamalasakit at sakripisyo ay ang aking natatanggap na grasya, mapansin man o manatiling tahimik. Alam ko po na hindi po kayo ang perpektong ama na inyong ninanais, ngunit salamat sa paghahandog sa dakilang Ama ang ako na inyong anak. Salamat na hindi ninyo po kami pinalaki sa layaw ngunit naging mga halimbawa na ang pangunahing serbisyo ay dapat handog sa Diyos. Salamat sa pagbibigay ng oras para sa amin magkakapatid kahit na sapilitang isiniksik sa panahon. Salamat sa inyong pagsusustento sa aming pangangailangan at sa iba pa naming gusto kahit na wala kaming karapatan. Salamat sa pagtatanim ng mabubuting asal, kaalaman at karunungan. Aking paumanhin naman sa aking pagkakamali sa aking mga desisyon, sa aking pagiging hindi magalang, malikot at nakakadulot ng problema. Hindi ko matutumbasan ang inyong mga sakripisyo at pagmamalasakit sa amin ngunit aking susubukin na maging mabuting anak kahit hindi ako perpekto. Nagpapasalamat lamang ako sa Diyos na kayo po ang naging tatay ko! Salamat!