1. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang- araw-araw na Pamumuhay
2. MGA LAYUNIN Nakapagbibigay kahalagahan sa pag-aaral ng Ekonomiks sa ating pamumuhay Nakagagawa ng desisyon sa tamang paggamit sa produktibong yaman.
3. Balak ng isang magsasaka na doblehin ang dami ng kaniyang itatanim na palay nang hindi babawasan ang dami ng itatanim niyang gulay ngunit wala siyang karagdagang lupang mapagtatamnan. Pag-aralan ang Sitwasyon
4. Bibili ka sana ng kwaderno ngunit wala kang mabili dahil naubusan ng stock ang bookstore. Pag-aralan ang Sitwasyon
5. Nais mong makipaglaro sa iyong mga kapatid ngunit kailangan mo ring gumawa ng proyekto kasama ng iyong mga kaklase. Pag-aralan ang Sitwasyon
6. MGA MAHAHALAGANG KONSEPTO SA EKONOMIKS TRADE OFF Ang trade off ay isang konsepto sa Ekonomiks na tumutukoy sa paraan ng pagpili o pagsasakripisyo ng isang tao sa isang bagay bilang kapalit ng isa pang bagay. MARGINAL THINKING Ang "marginal thinking" ay ginagamit ng mga tao sa paggawa ng mga desisyon sa pamamagitan ng pagsusuri kung ang benepisyo ng isa pang yunit ng isang bagay ay mas malaki kaysa sa gastos nito. INCENTIVES Ang incentives ay tumutukoy sa mga benepisyo o mga pakinabang na makukuha. OPPORTUNITY COST Ang opportunity cost ay isang konsepto sa Ekonomiks na tumutukoy sa pagkawala ng mga potensyal na pakinabang na maari nating makuha mula sa isang pagdedesisyon na ating isinagawa.
7. Nauunawaan ang pamamaraan kung papaano magamit ang limitadong pinagkukunang yaman
8. Makakatulong sa pagsuri sa mga paraan na matugunan ang suliranin ng kakapusan.
9. Naiintindihan kung paano nakakaapekto sa bansa ang kilos ng ekonomiya.
10. Malalaman ang mga suliraning umiiral sa buong daigdig na may kinalaman sa lipunan at kabuhayan na mga tao.
11. Mauunawaan ang mga sanhi ng mabagal na pag-unlad ng bansa at kung bakit may mga bansang mabilis ang pag-unlad.
12. Nakakatulong sa pag- unlad ng isang bansa.