Answer:
Lahat ng gawain nagsisimula sa pagpapasya o desisyon. Gaya ng simpleng bagay na paglilinis ng bahay sa umaga. Nagpasya ka sa isip mo na ikaw ang maglilinis ng bahay tuwing umaga. Maging sa pag-aaral mo, nagpasya ka kung anong paaralan ang papasukan mo. Sa pagpili mo ng sapatos, damit, laruan, atbp, nagpasya ka sa isip mo kung ano ang gusto mo. Kaya napakahalaga ng pagpapasya sa buhay natin. Bilang pagbubunyi sa kahalagahan ng pagpapasya, narito ang mga ginawang slogan tungkol sa pagpapasya.
Mga Slogan Tungkol sa Pagpapasya (Desisyon)
1. "Pagisipan para di pagsisihan.
" Paliwanag: Ano mang desisyon mahalagang pag-isipan nang maraming beses at alamin kung ano man ang magiging resulta nito, tama man o mali. Di mo ito pagsisihan sa huli dahil ikaw mismo ang may gawa at maging leksyon ito sa mga susunod mong desisyon.
2. "Papasya gawing maayos, Wag padalos-dalos."
Paliwanag: Minsan ka lang magpapasya. Kaya wag padalos-dalos. Wag kaagad-agad magpasya lalo na sa mga mahahalagang bagay. Nasa huli ang pagsisisi.
3. "Mabisang pagpapasya, sa ibang tao komunsulta."
Paliwanag: Sa pagpapasya, nakakatulong kung komunsulta tayo sa ibang tao na mas nakakaalam. "Two heads is better than one", ika nga.
hope po makatulong