Ang tinatawag na civil status ay iyong family status, ang mga opsyon na naglalarawan sa relasyon mo sa isa pang tao kung ikaw ba ay single, married etc.
Narito ang mga uri ng civil status:
- Single - taong hindi pa ikinakasal
- Married - ikinasal na, may asawa
- Comman Law /Líve in - magkasintahan na nakatira sa iisang bahay ng hindi kasal
- Widowed - ang asawa ay namatay na
- Separated - taong legal o hindi legal na hiwalay sa kanyang asawa dahil sa hindi pagkakaunawaan atbp
Madalas natin makita ang ganitong mga pinagpipilian o katanungan kapag tayo ay nag-aaply ng trabaho at gumagawa ng biodata o sa tuwing tayo ay kumukuha ng mga valid identification card.
Napakahalaga ng civil status at civil registration dahil sa pamamagitan nito tayo ay nakaka- access ng mahahalagang serbisyo tulad ng healthcare, financial services at edukasyon. Nagiging basehan din ito sa pagkakakilanlan natin na ilalagay sa mga ID, passports, atbp.
Ang civil registration naman ay ang tuloy tuloy at permanente na sistema kung saan itinatala ng pamahalaan ang mahahalagang pangyayaring nagaganap katulad ng kapanganakan, kasal, at pagkamatay ng mga mamamayan ng kanilang bansa.
ang benepisyo ng pagkakaroon ng civil registration:
- magkakaroon ka ng access sa importanteng serbisyo katulad na lamang ng healthcare, education, atbp
- mapoprotektahan ang iyong karapatan tulad ng cultural, political and human rights
- makakasali ka sa politikal na gawain
- makakaiwas sa child marriage at sa human trafficking
- mas mapapadali ang pagkaroon ng trabaho
- mas magiging maayos at madali ang pagmamay-ari at pagmamana ng lupain
- mapapadali ang pagkuha ng identification cards
Marami ang problemang uusbong kapag ikaw ay walang civil registration. Halos lahat ng pampublikong serbisyo ay nangangailangan ng legal na pagkakakilanlan katulad ng ospital, health insurance, paaralan etc. Paano makakagamit ang isang tao ng walang civil registration. Isa pang malaki problema sa kawalan nito ay mahihirapan kang mapasaiyo ang dapat naman talagang sa iyo dahil wala kang maipapakitang patunay.
Bisitahin ang link na ito para sa iba pang impormasyon:
- https://brainly.ph/question/786773
#SPJ2