Answer:
Ang Human immunodeficiency virus infection / Acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS) ay isang sakit ng sistemang immuno ng tao na sanhi ng HIV.[1] Sa simulang impeksiyon, ang isang taong nahawaan ay maaaring makaranas ng isang maikling yugto ng tulad ng trangkasong (influenza) mga sakit. Ito ay karaniwang sinusundan ng isang humabang panahong walang mga sintomas. Habang nagpapatuloy ang sakit na ito, ito ay mas nanghihimasok sa sistemang immuno ng indibidwal na gumagawa sa mga meron nito na mas malamang na magkaroon ng mga impeksiyon kabilang ang mga oportunistikong impeksiyon at mga tumor na karaniwang hindi dumadapo sa mga taong may gumaganang sistemang immuno.
Ang HIV ay pangunahing naisisalin sa pamamagitan ng hindi ligtas na pakikipagtalik, nahawaang dugo at mga karayom at sa ina tungo sa anak sa pagbubuntis, panganganak o pagpapasuso.[2] Ang ilang mga pluido sa katawan gaya ng laway at luha ay hindi nagpapasa ng HIV.[3] Ang pag-iwas sa impeksiyon ng HIV na pangunahin sa pamamagitan ng ligtas na pakikipagtalik (paggamit ng kondom) at mga programang pagpapalit ng karayom sa mga gumagamit ng droga ay isang mahalagang stratehiya upang makontrol ang pagkalat ng sakit na ito.
Sa kasalukuyan ay walang gamot (cure) o bakuna upang mapuksa ang virus na HIV sa katawan ng mga taong nahawaan nito. Gayunpaman, ang terapiyang antiretroviral ay maaaring magpabagal ng sakit at maaaring tumungo sa isang malapit sa normal na pagtagal ng buhay sa mga nahawaan nito. Bagaman ang paggamot antiretroviral ay nagpapabawas ng panganib ng kamatayan at mga komplikasyon mula sa sakit, ang mga gamot na ito ay mahal at maaaring maiugnay sa mga side effect.
Ang pagsasaliksik henetiko ay nagpapakitang ang HIV ay nagmula sa Kanlurang-sentral na Aprika noong simula nang ika-20 siglo.[4] Ang AIDS ay unang nakilala ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos noong 1981 at ang sanhi nitong HIV ay natukoy sa simulang bahagi nang dekada.[5] Simula pagkakatuklas nito, ang AIDS ay nagsanhi ng halos 30 milyong mga kamatayan (mula 2009).[6] Mula 2010, ang tinatayang mga 34 milyong katao ang nahawaan ng HIV sa buong mundo.[7] Ang AIDS ay itinuturing na isang pandemikong sakit na umiiral sa malaking sakop ng mundo at aktibong kumakalat.[8] Ang HIV/AIDS ay may malaking epekto sa lipunan bilang sakit at pinagmumulan ng diskriminasyon. Ang sakit na ito ay mayroon ring malaking epekto sa ekonomiya.
Hope its help
Report if need
#StudyHard