Answer:
PAGSASALAYSAY
Explanation:
Ito ay isang paraan ng pagkukuwento na nauukol sa pang sariling karanasan, mga pangyayari, mga nabasa o kathang isip.
Ang pangunahing layunin ng isang pagsasalaysay ay makapaglahad at maipahayag ang nilalaman kwento at ang pagpapagalawa ng isip sa masining na pamamaraan.
Narito ang halimbawa ng salaysay batay sa katanungan sa itaas.
Ang mga kabataan sa panahon ngayon ay maraming pinagkakaabalahan bagay, dala marahil ng makabagong panahon at teknolohiya.
Sa kadahilanaang ito, masasabing lumilikha ito ng pangkatawan at pangka isipang stress sa mga mga kabataan o anak.
Isa na din sa maituturing na stress na pinagdadaanan ng mga anak ngayon ay ang kasalukuyang pandemya na kung saan
ay malaki ang naidulot na pagbabago sa buhay ng bawat isa.
Nalimitihan nito ang kilos ng mga kabataan kung saan ay hindi nila malayang naipapahayag ang kanilang saloobin at kalayaan na nakakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang sariling kakayanan.
At dahil nakakaramdaman sila ng stress, pagkabagot at limitadong pagkilos naapektuhan ng malaki ang kanilang pakikisama sa bawat miyembro ng pamilya, madalas ay nabubugnot at mainitin ang kanilang ulo.
Layunin ng mga magulang o guardian na kahit na sa limitadong paglabas o pagkilos para sa mga kabataan ay maaari pa rin silang maging isang produktibong miyembro ng pamayanan sa pamamagitan ng pagmamalas ng mabubuting gawain, pagtuturo ng wastong kaugalian, pakikilahok sa mga online na talakayan panglipunan at iba pa.
Explanation: