Answer:
1.pamilya
2.pamahalaan
3.simbahan/relihiyon
4.paaralan
5.media
Explanation:
PAMILYA
1. Ang pamilya ang pinakamaliit na institusyon ng lipunan. Ito ay nagmula sa Diyos, ito ay simula at batayan ng lipunan.
2. Ang pamilya ay kaloob ng Diyos para sa natatanging layunin: pag-aanak at pagpapalaki ng mga ito.
3. Isang napakahalagang tungkulin ng pamilya para sa mga kasapi nito ay pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang pagtugon nito ay pagkakaroon ng pagkakataong malinang nila ang kanilang mga potensiyal na kakayahan.
4. Ang pagtuturo ng ng gampanin ng bawat kasapi ay mahalaga rin. Ito ay nagbibigay sa bawat isa ng kahandaan at pangunahing kaalaman upang maharap nila ang mga higit na malalaking hamon.
PAMAHALAAN
1. Niloob ng Diyos na sa isang lipunan ay may ilang mamumuno at mamahala sa karamihan. Ang namamahalang ito ay binigyan ng tungkulin at pananagutan na protektahan ang interes ng kanilang pamumuhay.
2. Ang mga namamahalang ito ay binigyan ng tungkulin at pananagutan na protektahan ang interes ng kanilang pinamumunuan. Tungkulin nilang pangasiwaan ang pagbibigay ng pamahalaan ng mga kailangan ng bawat tao bilang pamilya o indibidwal.
3. Ang pamahalaan ay nararapat na may batas at mga programa tungo sa moral at maayos na pamumuhay ng mga tao. Ang mga batas at gawaing magbigay ng prayoridad sa buhay, libreng edukasyon, at pagbibigay ng trabaho sa mahihirap.
SIMBAHAN/RELIHIYON
1. Layunin ng simbahan na ipaliwanag sa tao ang tungkol sa pananampalataya. Sa pamamagitan ng simbahan o relihiyon, natututuhan ng tao ang katotohanan tungkol sa mga aral at paniniwala ukol sa Maylalang.
2. Ang mismong simbahan o relihiyon ay naglalayong bigyan ng moral na kaayusan ang political, ekonomiko, at sosyal na buhay ng tao ayon sa kaayusan na nais ng Maylalang.
PAARALAN
1. Ang edukasyon na ibinibigay ng paaralan ay naghahanda sa mga tao para sa dapat nilang kalagyan at tungkulin sa mundo.
2. Layunin ng paaralan na turuan at tulungan ang tao na marating ang tagumpay sa masagana’t tuwid na pamumuhay.
MEDIA
1. Ang media ang pinakamalakas makaimpluwesiya sa isang lipunan at ng buong mundo sa pagtahak ng patutunguhan.
2. Maliban sa impormasyong ibinibigay sa tao, malakas ang impluwensiya nito sa ekonomiya, at sa kanilang pang-araw-araw n pamumuhay, sa kanilang pagpapasiya, sa kanilang pamimili, pagdadami, pagsasalita, pagkain, at iba pa.
3. Malakas ang mediasa pagimpluwensiya sa kaisipan ng mga tao. Kaya dapat ng mga taong nasa loob ng institusyong ito ay may moral na pananagutan sa pag-unlad ng tao sa lipunan.