SALAWIKAIN - Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas
SAWIKAIN - Ang pagsasawikain o Pagtatabis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid, ay masasabi ng mga salitang eupemistiko, patayutay p idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag
KASABIHAN - ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito'y hindi gumagamit ng mga talinghaga. payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan