Tagalog opening prayer​

Answers 2

Answer:

OPENING PRAYER TAGALOG 1 – SHORT

Panginoon naming mahal, inaalay namin sa Iyo ang pagtitipon na ito. Nawa’y bigyan Mo kami ng gabay at awa at dulutan ng tagumpay ang lahat ng aming mga nais matupad na gawain.

Patnubayan Mo kami, Panginoon, nang ang lahat ng isip at salita ng bawat isa sa amin ay maging nararapat sa Iyo, at mapasapuso namin ang ikabubuti ng lahat at ikalalaganap ng iyong salita.

Punuin Mo kami ng Banal na Espirito ng mapanitiling malinaw ang patutunguhan ng lahat ng aming pagsisikap, at nang sa Iyong pangalan ay maging matagumpay ang aming pagtitipon.

Nawa’y maipatupad namin ng tama ang lahat ng aming mga tungkulin at hangarin, sa ngalan Mo.

Amen.

OPENING PRAYER TAGALOG 2 – SHORT

Ama naming lumikha, sa pagkakataon na binigay Mo sa amin, kami ay nagtipon-tipon ngayon upang tuparin ang aming mga mabuting adhikain. Nawa’y gabayan Mo ang aming mga pag-iisip nang lalong makatulong sa kapwa at mapalaganap ang Iyong mga banal na salita.

Kung hindi sa Iyong awa ay hindi kami magkakamit ng kakayanan at pamamaraan na tuparin ang aming mga adhikain, at kung hindi sa Iyong gabay ay hindi magiging malinaw sa aming mga isipan ang direksiyon na aming patutunguhan.

Hindi kami karapat-dapat, ngunit sa Iyong patuloy na saklolo, kami ay nagkakaroon ng lakas at pag-asa na ang aming munting pagsisikap sa tipunan na ito ay gagantimpalaan Mo ng tagumpay.

Amen.

OPENING PRAYER TAGALOG 3 – LONG

Aming Panginoon, kami po ay sumasamo sa Iyo, na sa pagtitipon na ito ay magampanan naming ang aming sinumpaang tungkulin na palaganapin ang kabutihan ng Iyong banal na Salita. Bigyan Mo po kami ng sapat na linaw ng isip at tibay ng puso na gawin ang Iyong hangarin.

Banal na Inang Maria, tulungan mo po kami na palaging maging mapagkumbaba nang ang aming bawat galaw ay maging para sa ikabubuti ng lahat.

Salamat Panginoon, na kami ay biniyayaan Mo ng mabuting kalusugan at sapat na kakayanan na mapabilang sa pagtitipon na ito. Salamat sa malaking kaloob na makapiling muli naming ang aming mga kaibigan at kasamahan, at sa pagkakataon na mapadami pa ang aming mga kaibigan at kasamahan. Sa Iyong kabutihan ay labis-labis ang aming tuwa at saya sa pagdalo sa pagtitipon na ito na aming inaalay sa Iyong banal na ngalan.

Kami ay nagsusumamo, mahal na Panginoon, na basbasan mo ng Iyong grasya ang bawat isa sa amin, kabilang ang aming mga pamilya at mahal sa buhay. Kami ay magsisimula ngayon balot ng Iyong pagmamahal, at sa Iyong grasya ay magiging matagumpay ang aming pagtitipon.

Amen.

Explanation:

Here is a pic hope it helps! :)

answer img

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years