Answer:
PA-BRAINLIEST PO♀️
Explanation:
A. Daigdig - Ang Daigdíg (eng: Earth), o ang Lupà o ang Tiyera ay ang ikatlong planeta mula sa Araw, ang pinakamasukal na planeta sa Sistemang Solar, ang pinakamalaki sa apat na planetang terestriyal ng Sistemang Solar, at ang kaisa-isang planeta kung saan maaaring tumirá ang mga buháy na organismo.
B. Crust - ay isang lubhang manipis na layer ng bato na bumubuo sa pinakamalayo na solid shell ng ating planeta.
C. Mantle - gitna at pinakamakapal at pinakamainit na parte ng daigdig kaya ang ibang parte nito ay natutunaw.
D. Core - ang pinaka'sentrong bahagi ng mundo.
E. Plate - ay mga malalaking piraso ng crust ng Earth at pinakamataas na mantle. Binubuo sila ng oceanic crust at continental crust. Nangyayari ang mga lindol sa paligid ng mga tagaytay sa gitna ng karagatan at ang malalaking fault na nagmamarka sa mga gilid ng mga plato.
F. Longitude - ang longhitud, sinisimbolo ng Griyegong titik na lambda (λ), ay ang heograpikong koordinado na karaniwang ginagamit sa kartograpiya at pandaigdigang paglalayag para sa silangan-kanlurang pagsukat. Ang isang guhit ng longhitud ay isang meridyanong hilaga-timog at kalahati ng isang malaking bilog
G. Latitude - Ang latitud (Ingles:Latitude) ay ang isang distansyang angular na natutukoy sa pamamagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng ekwador.
H. Prime Meridian - kathang-isip na guhit na paikot sa mundo.
I. Ekwador - ay isang kathang-isip na linya na gumuguhit sa palibot ng isang planeta sa layong kalahati sa pagitan ng mga polo ng mundo (pole sa Ingles). Hinahati ng ekwador ang planeta sa Hilagang Hemispero at Katimugang Hemispero.
J. Kontinente - ay isang lupain na malaki at malawak.[1] Pito ang karaniwang tinatanggap na bilang ng mga kontinente, madalas dahil sa kumbensiyon imbes na ayon sa isang pamantayan. Nakaayos paalpabeto, ang pitong rehiyong itong ay ang: Asya, Aprika, Antartika, Awstralya (madalas ring tinatawag na Awstralyasya o Osiyanya), Europa, Hilagang Amerika, at Timog Amerika.