Answer:
Mahalaga ang ekonomiks dahil ito ang nagbibigay kasagutan sa mga katanungang ating iniisip.
Explanation:
Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na “oikonomos” na kung sa Ingles ay nangangahulugan na “household”. Sa payak na pagkakahulugan, ito ay tumutukoy sa pamamahala ng tahanan. Sa malaking sakop, ito’y tumutukoy sa pamamaraan ng pamamahala ng buong bansa.
Mahalaga ang ekonomiks dahil ito ang nagbibigay kasagutan sa mga katanungang ating iniisip. Sa pag aayos at pagpaplano ng gawain sa ating tahanan ay gumaganap ng malaking parte ang ekonomiks tulad na lamang sa aspeto ng pagtipid o pag-budget ng pera para matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya at makapagtabi nang sapat para sa mga hindi inaasahang pangyayari.