Answer:
Ang Kahulugan ng 'Islam
Ang salitang Arabic na 'Islam' ay nangangahulugan ng kabuuang pagsuko, pagpapasakop at pagtalima sa Diyos. Samakatuwid, ang isang 'Muslim' ay 'tumutukoy sa nilkha na nagpapasakop, sumusuko at tumatalima sa Diyos.' Ang Islam ay nangangahulugan na magpasakop sa Allah lamang, sumamba at maglingkod sa Allah lamang, maniwala at sumunod sa propeta na ipinadala sa kanila. Sa maraming di-Muslim, ang 'Islam' ay isang relihiyon na nagsimula sa ikapitong siglo sa Gitnang Silangan, ngunit sa mga Muslim, ang Islam ay ang tanging relihiyon ni Allah mula noong panahon ni Adan, ang unang tao. Samakatuwid,
ang Islam ay ang relihiyon ng lahat ng mga propeta na sumunod sa kanya. Sa panahon ni Moises, ang Islam ay pagsamba sa Allah lamang, maniwala at sumunod sa mga turo na dinala ni Moises, at ang Islam sa panahon ni Hesus ay sambahin ang Allah lamang, maniwala at sumunod sa mga turo na dinala ni Jesus, dahil sila ay parehong mga propeta na ipinadala ng Diyos upang ituro ang kanyang relihiyon. Pagdating ni Propeta Muhammad, ang Islam ay ang pagsamba sa Allah lamang, maniwala at sumunod sa mga turo ni Propeta Muhammad. Kahit na ang mga turo ng lahat ng mga propeta tungkol sa Diyos, ang buhay sa Kabilang Buhay, at lahat ng iba pang mga katotohanan ng paniniwala ay magkapareho,
may mga bahagyang pagkakaiba sa mga pamamaraan ng kaugalian, pagsamba at paglilingkod, para sa bawat propeta na ipinadala sa isang partikular na bansa at partikular na panahon at oras. Bagaman ang mga nakaraang relihiyon ay nasa ilalim ng pangkalahatang pamunuan ng Islam, ang relihiyon ni Muhammad ay partikular na binigyan ng pangalang 'Islam' ng Diyos, dahil ito ang huling relihiyon na ipinag uutos para sa sangkatauhan hanggang sa Araw ng Paghuhukom.