Paglalayag Sa Puso Ng Isang Bata
Ni Genoveva Edroza Matute
Panimula- Ginugunita ng guro sa kanyang dating mag-aaral, ang kanyang mag-aaral na minsan na siyang naging guro sa kanya. Ipinakita ng batang iyon ang mukha ng pagkukumbaba
Saglit na kasiglahan- ng magkaroon nga ng atensyon at pagmamahal sa bata ito ay naging masayahin na. Nagsimula na itong maging normal na bata na nakikihalubilo at nakikipaglaro sa mga batang tulad nito.
Suliranin- ng isang araw na mainit ang ulo ng guro marami siyang masamang nasabi sa batang iyon, na hindi niya dapat sinabi kung kaya ang bata ay naging tahimik muli.
Tunggalian- Tao laban sa tao, sapagkat sa pangyayaring iyon, nasaktan niya ang loob ng bata sa mga kanyang sinabi.
Kasukdulan- ang hindi pagkibo ng bata at ito nga ay naging tahimik ngunit patuloy pa din ito sa kanyang mga gawain sa loob ng paaralan.
Kakalasan- ng lumabas ang bata sa silid aralan ng hindi kumikibo ngunit bigla itong bumalik at nagpaalam sa kanya.
Wakas- ang pagkakatulala ng guro dahil sa pangyayari. Ang bata ay nagpakumbaba sa kanya. Ang akala niya ay bata ay galit sa kanya ngunit bagkus ito ay nagpakumbaba kahit pa ito ay walang kasalanan sa kanya. Doon nagising ang guro, isang aral sa kanya ang mga pangyayaring iyon.