Konsekwensiya na maaaring ipataw sa negatibong kilos ng anak
Sa mga negatibong pagkilos na naisasagawa ng mga anak, kailangan may kaakibat itong konsekwensiya upang matuto sila sa buhay at hindi na nila maulit ito. Tutulong ito para mabuksan at isipan nila hinggil sa bagay na ito upang makaiwas ang mga anak sa paggawa ng masama.
Ang ilan sa mga konsekwensiya na maaaring ipataw ng magulang sa kaniyang anak:
- Pagkakaroon ng curfew
- Hindi pagpayag na sumama sa mga kaibigan at kabarkada upang umalis o kaya gumala kahit mahalaga ang gagawin nila
- Hindi paggamit ng gadget tulad ng cellphone at computer
- Pagdidisiplina sa kanila sa paraan ng pagtulong sa gawaing bahay
- Hindi maaaring gumamit ng social media ang anak ng ilang araw
Kaya itong mga konsekwensiya na ito maaaring nararanasan ng mga anak ngayon. Ilan lamang ito sa mga halimbawa na maaaring gawin ng isang magulang kung napapansin niya na may negatibong kilos ang anak niya na hindi kaaya-aya. Matutulungan nito ang anak na mamulat sa buhay niya na magsikap na maging masunurin at magpakita ng kabutihan sa lahat ng oras. Gayundin, ang mga konsekwensiya ay malaking bagay para ipaunawa sa mga anak ang posibleng kahihinatnan kung kikilos ng mali.
Mahalagang isaisip ito ng mga magulang upang matulungan rin sila na madisiplina ang mga anak. Ang mga konsekwensiya ang paraan para malaman ang paraan ng pag-iisip at saloobin nila hinggil sa bagay na ito at magkaroon ng reyalisasyon at aral na maaaring mapulot sa ginawang negatibong pagkilos sa loob man ng pamilya o kaya sa ibang bagay. Kaya puwede ng gumawa ng posibleng konsekwensiya ang magulang upang mabigyan ito agad sa kaniyang anak na lumabag sa patakaran na pinatupad niya.
Konklusyon:
Pinakikita ng paksang ito ang kahalagahan ng pagiging masunurin at mapagpasakop ng mga anak sa magulang. Kailangan ipamalas ito ng mga anak para mahubog ang kanilang pagkatao sa tama upang magamit nila ito sa paglaki. Isa pa, tayo rin ang makikinabang dito dahil paraan ito ng pagsasanay sa atin, kaya huwag natin na isipin na napakahigpit ng mga magulang natin sa pagpataw ng mga ito. Lagi nating tandaan na kaya natin nararanasan ang mga konsekwensiya ay dahil rin ito sa sarili natin, kaya huwag itong isisi sa mga magulang.
Mayroon ka pa bang pagnanais na makapagbasa ng higit na may kinalaman sa ating paksa? Puwede mo mismong mabisita ang mga link na ito:
Ilan sa mga halimbawang batas na sinusunod sa ating bahay: brainly.ph/question/2370530
Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsunod: brainly.ph/question/382852
#BrainlyEveryday