Answer:
KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Sinasabing ang katangiang pisikal ng kontinenteng Asya ang pinakamayaman sa lahat. Maliban sa pagiging pinakamalaki sa pitong kontinente, sa Asya rin matatagpuan ang pinakamataas na bahagi ng mundo na Mt. Everest at pinakamalalim na bahagi ng karagatan na Mariana’s Trench.
Marami ding mga nakamamangha na anyong lupa sa Asya katulad ng mga magkakarugtong na kabundukan, matataas na bundok, aktibo at magandang hugis ng bulkan, at malalawak na disyerto. Maliban dito, nasa Asya rin ang mga napakagandang atraksiyong tubig at mayayamang anyong tubig.
Katangiang Pisikal ng Hilagang Asya
Kilala ang Hilagang Asya sa pagkakaroon ng malamig na panahon sa loob ng isang taon. Sasandali lamang na tatama rito ang tag-init kaya naman walang masyadong kagubatan dito
Ang karaniwang tumutubo sa kanilang mga bundok at burol ay mga damuhan o grassland sa halip na mga punong-kahoy dahil hindi nabubuhay sa malamig na panahon ang mga ito.
Tatlong uri ng grassland ang makikita sa Hilagang Asya kabilang ang steppe, prairie, at savanna. Kilala rin ang Hilagang Asya sa pagkakaroon ng Taiga o boreal forest. Ito ay ang mga mababatong kabundukan. Makikita rin sa Hilagang Asya ang pinakamalalim na lawa sa mundo, ang Lake Baikal.
Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya
Karaniwang may maliit na populasyon ang ibang bansa sa Kanlurang Asya kahit malaki ang sakop nilang lupain. Ito ay sa kadahilanang maraming disyerto sa rehiyon na mapanganib tirahan dahil sa pabago-bagong panahon.
Saklaw din ng rehiyon ang Arabian Peninsula, Fertile Crescent, at Northern Tier. Kabahagi rin ng Gitnang Silangan ang mga pamosong anyong tubig na Red Sea, Arabian Sea, at Peninsula Gulf. Marami ding matatabang lupa sa rehiyon dahil sa saganang suplay ng tubig doon.
Katangiang Pisikal ng Timog Asya
Mayaman sa kabundukan ang rehiyong ito ng Asya. Isang malaking tangway o peninsula ang nasabing rehiyon kung saan makikita ang mahabang kabundukan ng Himalayas at Hindu Kusk. Ang Himalayas ay tanyag sa buong mundo dahil sa haba nitong umaabot sa 1,500 milya. Ang tuktok ng bundok na ito ay natatakluban ng yelo.
Sa rehiyong ito rin makikita ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na Mt. Everest. Nasa halos 8,850 metro ang taas nito at laging tinatangka ng mga mountaineer na akyatin. Samantala, marami ding anyong tubig ang makikita sa rehiyon katulad ng Arabian Sea, Indian Ocean, at Bay of Bengal na pangunahing daan ng mga transportasyong pandagat sa buong Asya.
Katangiang Pisikal ng Silangang Asya
Kahit na maraming bansa sa Silangang Asya ang nangunguna pagdating sa larangan ng teknolohiya, masasabing mayaman pa rin ito sa magagandang anyong tubig at lupa.
Maraming bahagi sa Silangang Asya ang may bundok at talampas kung saan naninirahan ang mga lokal. Ginagawa rin itong atraksiyon tulad ng Great Wall of China, Mt. Fuji, at Seoraksan.
Pagdating naman sa anyong tubig, isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan ang mga anyong tubig mula sa China na Ilog Huang Ho, Yangtze, at Xi Jiang. Makikita rin sa rehiyon ang Korean Strait.
Katangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya
Napaliligiran ng anyong tubig ang Timog Silangang Asya dahil layo-layo o pulo-pulo ang mga bansa rito. Nasa gilid ang South China Sea at Pacific Ocean kaya naman maraming sikat na resort at beach sa rehiyon.
Sa Pilipinas naman makikita ang isa sa Wonders of World at UNESCO Site na Palawan Subterranean River. Gayunman, maraming aktibong bulkan sa nasabing rehiyon dahil kabilang ang malaking bahagi nito sa Ring of Fire.