Answer:
"Sa Gitna Ng Pandemya"
Malungkot na nakadungaw sa bintana ang batang si Nathaniel,
nakatanaw sa malayo at iniisip kung kailan sya muling makakapaglaro at makakalabas ng tahanan,Napansin ito ng kaniyang ate na si Sarah,kaya't nilapitan siya nito."Oh Nathaniel!,Bakit kanina ka pang malungkot diyan?Ayaw mo bang maglaro?"Sabi ni Sarah."Gustong-gusto ko pong maglaro Ate,pero nagsasawa na pong lumabas at makipaglaro sa mga kaibigan ko.At namimiss ko narin po mamasyal sa parke. Bawal pa rin po ba akong lumabas?"Agad na ipinaintindi ni Sarah sa kanyang kapatid ang sitwasyong kinakaharap ngayong sa gitna ng pandemya."Nathaniel,hindi ba't mayroon tayong tinatawag na coronavirus (COVID-19),ito ay sakit na dulot ng isang virus na maaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao."Sabi ni Sarah,
"Ano po ang mangyayari sa isang tao kapag nagkakaroon ng virus o Covid-19 ate?"
nagtatakang tanong ni Nathaniel sa kanyang ate na Sarah.At narinig ito ng kanyang nakatatandang kapatid na si John,Si John ay isang nars at nagtatrabaho sa isang hospital."Aking kapatid,ang COVID-19 ay hindi basta bastang sakit lamang na kapag ininuman mo ng gamot ay gagaling ka kaagad,Hindi mo ba napanood sa telebisyon o narinig sa radyo na ang dami ng namatay sa buong mundo dahil sa COVID-19?"
sabi ni John,"Ano poba ang ating kailangan gawin upang matamo ang COVID-19 upang hindi tayo mahawa o makahawa?"sabi ni Nathaniel at Sarah."Maghugas ng kamay,paa at ang buong katawan upang hindi mahawaan o makahawa ng ibang tao.
At magdisimpekta ng mga gamit ang madalas na hinahawakan,maggamit din ng alcohol kung kinakailangan maghawak ng mga bagay bagay,magsuot ng pantakip ng bibig at ilong pag lalabas ng ating mga bahay"
"Paano po ba natin malalaman kung ang isang tao ay nahawaan ng COIVID-19?"
"Ang sintomas ay maaring mula sa banayad hanggang sa malubhang karamdaman,at lumabas 2-14 araw pagkatapos mong malantad sa virus na nagdudulot ng COVID-19
ang mga sakit ay paghirap sa paghinga,pananakit ng dibdib,pagkawala ng pangamoy at panlasa,ubo sipon lagnat at iba pa."Sabi ng kanyang kapatid na si John
"nakakatakot naman po pala ang Virus kapatid,Ako po ay magiingat at iiwasan ko po ang paglabas ng bahay at palagi po akong maglilinis ng katawan at mga gamit."Sabi ni Nathaniel.
"Tama ka dyan,Nathaniel.Kaya wag kang malungkot dyan kung hindi ka nakakalabas at nakakapaglaro dahil sa pandemya.Dahilmas mahalaga ang ating kalusugan,Kaya halina't kumain na tayo ng masustansyang pagkain at kumain na tayo"Sabi ni Sarah
"Tama ka ate,Bago tayo kumain,maghugas muna tayo ng ating mga kamay ng ating maiwasan ang germs at virus."
At masaya silang nagsalo salo mag pamilya sa kanilang pannghalian.
Ngayon,mas nainitindihan na ng batang si Nathaniel kung bakit kailangan soya manatili sa loob ng kanilang tahanan at kung ano ang dapat gawin para maiwasan ang virus na siyang dulot ng kahirapan sa maraming mamamayan.
"Sa Gitna Ng Pandemya"