Answer:
Talinghaga At Kahulugan:
ANO ANG KAHULUGAN NG TALINGHAGA?
• Ang talinghaga ay ang lipon ng mga salita na may ibang kahulugan.
• Ito ay di tuwirang pagbibigay ng kahulugan.
• Ang mga salitang ginagamit ay hindi pangkaraniwan at may malalim na kahulugan.
• Ang pahayag na ito hindi nagbibigay ng di - tuwirang kahulugan.
• Kadalasan ang kahulugan ng pahayag ay hango sa karanasan ng tao gaya ng mga bagay-bagay sa paligid o pangyayari sa buhay.
Halimbawa
bahag ang buntot – duwag
butas ang bulsa-walang pera
ilaw ng tahanan-ina
agaw-buhay -- naghihingalo, between life and death
anak-pawis -- magsasaka; manggagawa farmer; laborer; blue-collar worker
anak-dalita -- mahirap, poor
Nagbibilang ng poste- walang trabaho
Magkahiramang suklay- matalik na magka-ibigan
Nagsusunog ng kilay- nag-aaral ng Mabuti
Halimbawa sa pangungusap
.Si Jen at Maria ay magka-hiramang suklay
.Bagaman anak - dalita di Alan, hindi iyon naging hadlang upang makapagtapos siya ng pag-aaral.-mahirap
.Dapat nating bigyan ng pagpapahalaga ang mga taong alog na ang baba.- Matanda na.
.Kahit na maghirap pa ang kapatid niya pinapairal pa din niya ang kanyang pagiging pusong bakal- di marunong magpatawad.
.Butas na ang bulsa ni Mary Ann dahil sa katatapos lamang na pasko at bagong taong handaan- walang pera.
ANG PARABULA AY MAY MATATALINGHAGANG SALITA?
Isa sa mga halimbawa ng may mga matatalinghagang salita ay ang parabula na kung saan ang kwento ay kinuha sa banal na aklat o bibliya sapagkat ito ay matatalinghaga ang salita.
Nagiging matalinghaga ang mga salita sa isang parabula sapagkat mayroon itong ipinahihiwatig na malalim na aral. At karaniwang nangyayari sa totoong buhay.
Mga halimbawa ng parabula na mayroong talinghaga
1. Ang alibughang anak na makikita sa bibliya Lukas 15: 11-32
2. Parabulak ng mabuting samaritano Lukas 10 :25-37
3. Parabula ng mayaman at si Lazaro Lukas 16:19-31
Ano ang idyoma basahin sa:
brainly.ph/question/170515
ANG KASABIHAN AY MAYROON DING MATATALINGHAGANG SALITA
Halimbawa:
Sa kakapili, napunta sa bungi
Ang taong hindi makuntento o naghahanap pa ng higit pa ay karaniwang minamalas.
Eupimistiko Ar Kahulugan:
Nasa Picture po :D