Answer:
PILIPINO, LABAN!
Sa gitna ng nararanasang pandemya,
Kahit ilang bagyo ang sa ati'y sumalanta,
Pilipino'y lagi pa ring nakangiti,
Kahit na patong-patong na ang mga pighati.
Nananatiling matatag,
Kahit ang pasini'y dumadagdag,
Sa kapwa tao'y laging may habag,
Sa malinis man o maraming libag.
Sa katalinuhan, hindi nagpapahuli,
Sa kagandahan, hindi ka magsisisi,
Sa talento, laging nagwawagi,
Sa pagtulong, walang pinipili.
Kahit na mawasak ang kalupaan,
Bayuhin man ng mga along nagtataasan,
Apihin man ng mga dayuhan,
Ang mga Pilipino ay patuloy pa ring
lumalaban.
answer
ating kapaligiran
ay unti unti ng nasisira
mga basurang nakakalat
unti unting pinapatay ang kapaligiran
mga bayan o lugar
may kakaiba ng
amoy na pumapalibot
masasang sang at mga d mawaring amoy
madudumit magugulong paligid
dahil sa basurang nakakalat
mga taot hayop
unti unti ng nagkakasakit.
ating lipunan'at kapaligiran
ay nasisira dahil
sa kagagawan din ng mga tao
basura natiy dapat nating ayusin...
ng lipunan at kapaligiran
ay maibalik sa kaayusan
tayoy magtulungan
para maayos ang ating lipunan'at kapaligiran