Answer:
Halimbawa ng panghalip
Explanation:
Mga Halimbawa ng Panghalip sa Pangungusap
Narito ang sampung halimbawa ng panghalip sa pangungusap.
Mga Halimbawa ng Panghalip sa Pangungusap Image
Ako ay Pilipino.
Saan ka pupunta?
Akin ang saranggolang ito.
Ang iyong damit ay bago.
Sa kanya ang payong na ‘to.
Ilan ang itlog sa basket?
Iyon ang nawawalang aso ni Ramil.
Sinu-sino ang tauhan sa kwento?
Lumapit ka dito.
Ligtas diyan ang alaga mong ibon.
Uri ng Panghalip
May pitong (7) uri ng panghalip: ang panghalip panao, pamatlig, panaklaw, pananong, paari, pamanggit, at patulad.
Uri ng Panghalip Image
1. Panao
Ang panghalip panao ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay mula sa salitang ‘tao’, kaya nagpapahiwatig ito na ‘para sa tao’ o ‘pangtao’. Ipinapalit ito sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap, o sa taong pinag-uusapan.
Ilan sa mga halimbawa ng panghalip panao ay ang mga salitang ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, at kanya.
Mga Halimbawa ng Panghalip Panao sa Pangungusap
Sa akin ang tuwalyang pula.
Ako ay kumain ng sopas.
Sa inyo kami kakain ng hapunan.
Binili ko ang sumbrero sa mall.
Sa akin ang laruang kotse.
Doon kayo magbakasyon sa Tagaytay.
Sa kanila ay maraming manggang hinog.
Tingnan mo ang hawak kong lobo.
Siya ang kumuha sa bata.
Sa ating bansa ay maraming magagandang tanawin.
Panghalip Panao Image
Save
Kailanan ng Panghalip Panao
Narito ang tatlong kailanan ng panghalip panao.
A. Isahan
Ang mga halimbawa nito ang mga salitang ako, ko, akin, kita, ka, iyo, mo, siya, kanya, at niya.
B. Dalawahan
Ang mga halimbawa nito ang mga salitang atin, at natin.
C. Maramihan
Ang mga halimbawa nito ang mga salitang inyo, kayo, ninyo, sila, kanila, at nila.