Sagot:
Batay sa mga obserbasyon ko, ang ginagawa ng nanay kung nakakaramdam siya ng stress ay nagpapahinga at natutulog. O kaya naman kumakain, nagrerelax at nagbabasa. Ang ganitong mga paraan ay makakatulong upang mabawasan ang balisa at maging payapa ang isipan. At kung naiistress siya nakikipag-usap siya sa akin upang hindi niya pagkaisipan ang problema.
Paliwanag:Ano ang ibig sabihin ng stress?
- Ito ay pagkaramdam ng pagkabalisa, takot, kaba, pagkabigo at pagkabahala sa isang sitwasyon o kalayagan. At natural lang itong maramdaman ng mga tao dahil lahat tayo ay puwedeng makaranas nito.
- Kapag sobra ang stress natin sa buhay, maaaring makasama ito sa ating sarili lalo na sa kalusugan.
- Mayroong dalawang uri ng stress, ito ang healthy at unhealthy stress (brainly.ph/question/1371482).
- Kung hindi maagapan agad ang stress ng isa, maaaring lumala ito at mauwi sa depresyon.
Ano ang mga dahilan ng stress?
Tingnan ang ilan sa mga halimbawa: (brainly.ph/question/1653746)
- Maraming problema sa buhay
- Sobrang nag-iisip ng mga negatibong bagay
- Sobrang pagod na nauuwi sa burn-out
- Iniisip ang mga bagay-bagay tungkol sa kinabukasan
- Nakakaramdam ng sobrang lungkot
- Mainit ang ulo dahil sa dami ng isipin
- Pagiging kapos sa budget o kulang sa pinansiyal
Maaaring Tandaan:
Kung makita o mapansin natin na ang ating magulang ay naiistress, tulungan sila na mapagtagumpayan ito. Huwag na tayong dumagdag o maging dahilan pa sa problema nila. Sikapin na agapan agad ito upang hindi na ito lumala. At isang magandang bagay na maaaring gawin natin ay ipanalangin sila na makayanan ito at maging panatag na siya.
Para sa higit pa na impormasyon, maaaring magtungo sa link na ito upang makapagbasa:
Epekto ng stress sa mga estudyante: brainly.ph/question/1410911
Epekto ng stress sa mga buntis: brainly.ph/question/1336391
#BrainlyEveryday