Answer:
Ang komersyalismo ay makabagong kultura na mabilis ang pagkalat sa buong mundo na dala ng globalisasyon. Ito ang produkto ng paglipat ng merkado mula sa produksyon ng mga bagay na sumasagot sa pangangailangan (needs) ng mamamayan patungo sa kagustuhan (wants) lamang. Nakakatulong ang komersylismo sa mga kompanya na kung saan ang habol ay ang pinakamalaking kikitain sa kanilang mga transaksyon (maximum profit). Ibinibigay ng mga ito ang buong pwersa upang makuha ang atensyon ng mga mamimili sa pamamagitan ng “advertising” na humuhubog sa isipan ng mga nakakakita. Sa makatuwid, ang komersyalismo ay nakatuon sa layuning makuha ang pinaka malaking kikitain ng mga kompanya. Mahalaga ang papel ng kaisipang konsumerismo sa pagpapatuloy ng komersyalismo.
Explanation: