5. Pag-usapan at suriin ang pahayag na ito ni de Quiros. Pag- talunan sa klase kung totoo o hindi ang paniniwala niyang ito. Ang maling akala, o fallacy, ay ang paniniwalang kapag gusto mong palakasin ang Filipino ay gusto mong pahinain ang Ingles. Hindi totoo iyan. Gusto nating palakasin ang Filipino, pero gusto rin nating palakasin ang Ingles-bilang pangalawang lengguwahe, o second language. Ang mahalaga ay ang katagang "pangalawa" o "second." Hindi maaaring mauna ang Ingles.