Answer:
Ang ating pamilya ang siyang pundasyon ng isang pamayanan. Mahalagang malaman natin ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat isang miyembro ng pamilya. Ang Ama na siyang haligi ng tahanan ang nagsisilbing taga-disiplina sa mga anak at sumusuporta din sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang Ina naman na siyang ilaw ng tahanan ang katuwang ng Ama sa pag-gabay at pagpapalaki ng maayos sa kanilang mga anak. Ang mga anak naman ang kadalasang kasiyahan sa isang pamilya.
Ang mga sumusunod na tula tungkol sa pamilya na inyong matutunghayan ay hango sa iba’t ibang karanasan ng mga sumulat. Ang iba ay nagpapakilala kung paano sila lumaki sa kanilang pamilya, samantalang ang iba naman ay inilalarawan kung anong klaseng pamilya mayroon sila. Bagaman hindi lahat ng pamilya ay laging buo at masaya, magsilbi pa rin nawa ang mga tulang ito na inspirasyon upang kung dumating ang panahon na ikaw naman ang bubuo ng sariling pamilya, magiging malinaw sa iyo kung anong klaseng pamilya ang nais mong magkaroon sa takdang panahon.
Explanation:
SOURCE From Internet
Ang aking Pamilya
Tula ni Julie Ann F. Rosario
Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.
Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki
Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.
Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.
Salamat sa inyo, aking ama’t ina.
Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.
HERE'S ANOTHER EXAMPLE:
Pamilya
Tula ni Julyhet Roque
Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,
Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.
Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,
Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.
Edukasyon ng anak ay itinaguyod
Kahit na mangapal ang palad sa pagod
Basta sa pamilya ay may maitustos.
Di nag aaway sa harap ng supling,
Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin
At pagmamahalan ang laging inaangkin.