Ang Bansang Republika ng Pilipinas
- Ang Pilipinas ay isang kapuluang bansa na matatagpuan sa Timog Silangang Asya. Ito nasa may bahaging kanluran ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ito ng tatlong malalaking kumpol ng pulo na matutukoy natin sa pangalan na Luzon, Visayas at Mindanao. Ang punong lungsod ng bansa naman ay tinatawag na Manila.
- Matatagpuan ang bansa malapit sa ekwador at hagip ng Singsing ng Apoy ng Pasipiko kung kaya naman madalas itong tinatamaan ng mga bagyo at lindol. Gayunman ay marami naman itong tinataglay na likas na mga yamang dagat at tubig tulad ng mga bundok,bulubundukin, kapatagan, lawa, sapa, bukal, at iba pa.
- Mayroon itong lawak na tatlong daang libong kilometro kuwadro at nagtataglay naman ng humigit kumulang na isang daan at tatlong milyong populasyon.
Ilang Isla ang Mayroon ang Pilipinas?
Ang bansang Pilipinas ay nagtataglay noon ng pitong libo, isang daan at pito o 7107 ngunit ayon sa mga nag-aaral ng heograpiya, ito ay hindi na wasto. Ngayon ang bilang ng Isla na kinokonsidera na mayroon ang Pilipinas ay 7,641 o pitong libo, anim na raan at apatnapu’t isa.
Ano ang Tatlong Malalaking Pulo ng Pilipinas?- Luzon Ito ay ang pinakamalaking pulo na nagtataglay din ng pinakamataas na populasyon sa bansa. Halos kalahati sa populasyon ay dito naninirahan. Matatagpuan ito sa Hilagang bahagi ng Pilipinas. Dito din naman makikita ang punong lungsod. Halimbawa ng mga kilalang lugar na masisilayan dito ay ang Manila, Batanes, Mindoro, Catanduanes, Baguio at marami pang Iba.
- VisayasAng malaking pulo na nasa gitnang bahagi naman ng bansa ay tinatawag sa Visayas. Ito ay pinalilibutan ng Visayan Sea at ang mga naninirahan ay karaniwang tinatawag na Bisaya. Halimbawa ng mga kilalang lugar na matatagpuan dito ay ang Bohol, Cebu, Palawan, Romblon at marami pang iba.
- MindanaoPangalawa sa pinakamalaking pulo ng bansa na matatagpuan sa Timog na bahagi. Halimbawa ng mga kilalang lugar na matatagpuan dito ay ang Cagayan De Oro, Cotabato, Iligan, Zamboanga at marami pang iba.
Para sa Karagdagang Impormasyon
Halimbawa ng Isla sa Pilipinas:
https://brainly.ph/question/2229339
#SPJ2