Answer:
• Sa inyong karanasan, anu-ano ang mga epektibong paraan o kilos upang mabawasan o maiwasan ang inyong stress?
Ang mga epektibong paraan upang mabawasan ang stress:
1. Alamin kung ano ang nakaka-stress sa iyo. Kung minsan kapag nalaman mo na ang nakakaimpluwensya sa stress mo ay makakaya mo ring gawan ng solusyon ito.
2. Breathing Exercises. Kontrolin mo ang iyong paghinga. Kapag ginagawa mo ito ay binibigyan mo ang sarili mo ng oras para kumalma.
3. Ehersisyo. Ang simpleng paggalaw sa iyong katawan ay nakakapagpakalma ng iyong isip. Nakakatulong ito upang mapagtuunan mo ang kung ano ang kasalukuyang nangyayare o ginagawa mo. Ang paglalakad ay isa ring uri ng ehersisyo na nakakatulong sa pagpapatahimik ng maingay mong kaisipan.
4. Gawin mo ang kinaaaliwan mo. Kung mahilig kang magbasa, gawin mo iyon. Kung mahilig kang making sa tugtog, maaari mo ding gawin iyon. Gawin mo ang nagpapasaya sayo, makakatulong ito upang mapagaan ang pakiramdam mo.
5. Pag-oorganisa. Minsan nakakadagdag stress ang kalat, nakakadagdag inis rin kapag hindi mo mahanap ang isang bagay. Kaya hangga’t maaari ay panatilihin ang kaayusan sa iyong paligid. Kasama na rito ang pagoorganisa ng oras mo, upang hindi ka magahol sa mga kailangan mong gawin.
6. Lumabas kasama ang mga kaibgan. Nakakatulong ito para mapaling ang iyong isipan sa iba. Maaari ka ring makipagusap sa iyong mga kaibigan tungkol sa mga problema mo. Kung lalabas ay siguraduhin ang seguridad mo.
7. Pakiki-bond sa pamilya. Ang masayang tahanan ay nakakatulong upang mabawasan ang stress mo. Maaari kayong manood ng sama-sama, magluto ng mga putaheng hindi niyo pa nasusubukan, magkwentuhan at marami pang iba.
• Anu-ano ang mga gawain ninyo kasama ang inyong pamilya para mapamahalaan ang stress?
o Pakikipagkwentuhan tungkol sa mga nakaraan at kasalukuyang pangyayare.
o Pagbabahagi ng iyong saloobin, problema, at hindi pagsasarili nito.
o Pagkain ng sama-sama.
o Panonood ng mga pelikula.
o Paglilinis ng bahay.
o Sama-samang pagdiriwang ng mga kaarawan at bakasyon.
o Pagkakaroon ng tradisyong natatangi sa inyong pamilya.
#BRAINLYEVERYDAY
To know more, visit the link below:
how do you and your family deal in this trying time we are facing right now,the covid-19 pandemic? With the help of your family members make your family destress reinforcement.
https://brainly.ph/question/13285706
List 10 stressful situation and 10 strategy in coping stress
https://brainly.ph/question/14649521