Panuto: ibigay ang kaibahan sa iba ayon sa aspetong binigay.Need kopo Ang answer.​

question img

Answers 1

REBOLUSYONG AMERIKANO

(ASPETO) MGA DAHILAN- Ang pangunahing dahilan ng rebolusyonaryong kilusan ng mga Amerikano ay ang pagnanais nilang makalaya mula sa Gran Britanya (United Kingdom). Matatandaan na ang Estados Unidos (United States of America) ay binuo ng mga grupo ng mga taong ipinadala ng Britanya upang magtayo ng mga pamayanan at magexplore sa bagong diskubre na “New World.”

(ASPETO) MGA SANGKOT NA AKTOR- Ilan sa mga namuno sa Rebolusyong Amerikano ay sina George Washington, John Adams, Samuel Adams, Patrick Henry, at John Jay. Kasama din sina Alexander Hamilton at Thomas Jefferson sa mga kilalang tao sa Rebolusyong Amerikano.

(ASPETO) DALOY NG MGA PANGYAYARI-

noong 1765-nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng britanya

noong 1773- ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga katutubong amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles

noong hunyo 4, 1776- ideneklarang malaya ng amerikano ang kanang mga sarili

(ASPETO) BUNGA O IMPLIKASYON- Ang naging bunga ng rebolusyong Amerikano ay ang kalayaan ng United States ay kinilala at ang hangganan nito sa mga kalapit na bansa ay naayos.

(ASPETO) SALOOBIN TUNGKOL SA PANGYAYARI- Nang nagsimula ang rebulusyong amerikano madaming tao ang naapektuhan dahil sa kanilang mga hinaing dahil sa pagpapataw ng malaking halaga ng buwis dahil madami nga namang mga ibang mahihirap ang hindi kaya magbayad ng malalaking pagpapataw ng buwis

REBOLUSYONG PRANSES

(ASPETO) MGA DAHILAN- Maraming dahilan ang Rebolusyong Pranses ang ilan sa mga dahilan na binanggit ay ang mga sumusunod:

-Ang pagpupumilit ng gobyerno na kuhanin mula sa pondo ng bayan ang pangangailangan sa digma.

-May namumuong gulo sa pagitan ng mga monarko at nobilidad.

- Pagyabong ng mga repormistang grupo.

-Pagusbong ng alitan sa pagitan ng burgesya at aristokrasiya.

- Lumalalang krisis pang-ekonomiya.

(ASPETO) MGA SANGKOT NA AKTOR-  Ilan sa mga kilalang tao sa Rebolusyong Pranses ay sina King Louis XVI at Queen Marie Antoinette, na pinugutan ng ulo sa pagtatapos ng Rebolusyong Pranses.

(ASPETO) DALOY NG MGA PANGYAYARI-

1788-Pagbungad sa Rebolusyon

-Panahong wala pang laman ang kanilang kabang-yaman.

1789- Pagsimula na ang rebolusyon

-Nagkaroon ng pagtitipon ang mga pangkalahatang estates at ang mga manghahalal sa pagtitipon.

1790- Pagbangon ng mga pampulitikang samahan.

1791- Ang pagpunta ng maharlikang pamilya sa Paris, at hindi ito naging matagumpay.

1792- Nagkaroon ng giyera,

-ang pagbagsak ng Monarkiya.

-Patayan sa bilangguan ng Paris

-Ang pagtagumpay ng mga Prensas sa Valmy at Debut sa kombensyon.

1793- Mga paglitis ni Louis XVI

-Pagpapapatay ni Louis XVI

-Pagsimula ng pagsindak, makapangyarihang pagsakop ng mga Jacobins, at Digmaan ng mga Pransya sa Europa

1794-Kulto ng kataas-taasan.

- Nagsimula na ang pagbagsak ni Robespierre

1795-  pinalitan ng direktoryo ang kombensyon

1796- pagkatalo ng mga maharlika

-pagpangampanya ni Napoleon sa Italya

1797– Paghabol ni Bonaparte sa mga Austrians galing sa Italya.

1798– Pinawalang bisa ang mga halalan

-Sinalakay ni Bonaparte ang Ehipto.

1799– Pagbalik ni Bonaparte sa Ehipto

-nakakakuha ng kapangyarihan ang konsulado

- KATAPUSAN NG REBOLUSYON

(ASPETO) BUNGA O IMPLIKASYON- Dahil sa Rebolusyong Pranses, nabawasan ang kapangyarihan ng monarkiya at relihiyon, ngunit maaaring lumipat lamang ito sa kamay ng mga mambabatas o mga politiko kaya't ang Tradisyonal na Monarchs ay napalitan ng Costitutional Monarchs at ang Devine Religion ay napalitang ng State Religion (Statism).   Kung dati ay namamatay ang mandirigma para sa kanyang relihiyon, ngayon naman ay handang mamatay ang sundalo para sa Estado.

(ASPETO) SALOOBIN TUNGKOL SA PANGYAYARI-Ang Rebolusyong Pranses ay marahil isa sa pinakamahalagang kaganapan sa kasaysayan ng mundo. Dahil sa Rebolusyong Pranses, ang ideolohiya ng demokrasya at pantay-pantay na karapatan ay lumaganap sa buong Europa. Malaki ang naging impluwensya ng Rebolusyong Amerikano sa Rebolusyong Pranses dahil sa pagkapanalo ng United States laban sa Imperiyo Britanya. Nagbigay ito ng alab sa puso ng mga mamamayang hindi maharalika na ipaglaban ang kanilang karapatan, at pigilan ang pangaabuso ng mga sa kapangyarihan.

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years