Ang kababaihan sa pilipinas ay nakararanas ng:
1. Diskriminasyon sa Trabaho - Sinasabing hindi kaya ng mga kababaihan ang mga trabahong panlalaki sapagkat sila ay may mahihinang pangangatawan.
2. Diskriminasyon sa Pamilya- Inaasahang ang kababaihan sa lipunan ay dapat na manatili lamang sa bahay at mag-alaga ng kanyang mga anak.
3. Karahasan (Violence Against Women)- Mas maraming kababaihan sa Pilipinas ang nakatatanggap ng pagmamaltrato at hindi magandang pagkilos mula sa kabilang kasarian.
4. Diskriminasyon sa Edukasyon- Iilan sa mga kababaihan ang nawawalan ng ganang pasukin ang mga komprehensibo at komplikadong kurso tulad ng "Engineering" dahil sa mas pinaniniwalaan ng karamihan na ang kalalakihan lamang ang makatatapos ng ganoong kurso at hindi ito kaya ng kababaihan.
5. Pagsulong sa pantay na karapatan- Maraming batas na magsusulong sa pantay na karapatan ng kababaihan ang isa isa nang inisasampa sa punong hukuman. Karamihan sa mga kababaihan ngayon ang nagsisimula nang magkaroon ng boses pagdating sa iba't ibang larangan na noon ay kalalakihan lamang ang maaaring gumawa; nagkaroon na sila ng kalayaan sa pagboto, pag kandidato sa senado, pagkapresidente, at marami pang iba.