Edukasyon sa Pagpapakatao 9Quarter 2 - Module 1
Karagdagang GawainPanuto: Gumawa ng isang lingguhang plano ng mga tungkuling gagawin upang maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin
ARAW - TUNGKULING GAGAMPANAN
LUNES - Tungkulin kong mag-aral ng mabuti at sagutan ang mga takda at gawain ng may buong katapatan upang lubos ang aking pagkatuto.
MARTES - Tungkulin kong maglinis at magayos ng aming bahay at tulungan ang aking ina sa mga gawaing bahay tulad ng paglalaba at pagwawalis.
MIYERKULES - Tungkulin kong sumunod sa batas at mga patakaran ng lipunan, ngayong pandemya ang pagsusuot ng facemask ay tungkulin nating lahat.
HUWEBES - Tungkulin kong makilahok sa mga aktibidad ng aming komunidad tulad ng clean-up drive at iba pa.
BIYERNES - Tungkulin kong magpahinga matapos ang isang linggong tungkulin ginampa upang mapangalagaan ang aking sarili.
SABADO - Tungkulin kong tulungan at samahan ang aking mga magulang sa pagtitinda sa palengke upang may sapat kaming lingguhan pangangailangan.
LINGGO - Tungkol kong sumamba sa Diyos sa araw na ito kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.
Sagutin:
1. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos gawin ang gawain?
Matapos maisagawa ang gawain, ang aking naging realisasyon sa pagbuo ng isang lingguhang plano ay natutunan ko na mahalaga ang mga tungkulin ginagampanan sa pagbuo nito sapagkat ang bawat isa ay maaaring may ibat ibang tungkulin alinsunod sa halaga at papel na gagampanan nila. Aking napagtanto na ang bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan upang mapahalagahan ang karapatan at tungkulin ng bawat isa. Mas na bigyang pansin ang aking mga tungkuling ginagampanan sa paggawa ko ng lingguhang plano.
2. Paano makatutulong ang pagtutupad sa tugkulin sa pagbuo ng iyong pagkatao/pamilya/paaralan/lipunan/pamahalaan?
Nakatutulong ang pagtupad ng mga tungkulin upang maging Responsable sa mga gawain at mapaunlad ang karapatan ng bawat isa. Napapaunlad din nito ang ating pagkatao dahil pinapahalagahan nito ang ating karapatan. Sa usaping pamahalaan nabibigyang karapatan ang bawat mamamayan at tinutupad ng nahalal ang kanilang tungkulin para sa kanilang komunidad.
Reymark R. BumatayBayambang National High School