Answer: Si Isagani, isang lalaking Indio ay nakilala sa El Filibusterismo bilang isang estudyante ng Ateneo de Municipal. Naging tanyag siya bilang "Ang Makata" at isang masigasig na miyembro ng isang organisasyon sa kanilang paaralan.
Maliban sa sekular na impormasyong nabanggit, alamin natin ang iba pang detalye tungkol kay Isagani gaya ng:
1.Ang Pamilyang Pinagmulan
2.Ang Kaanyuan
3.Ang Buhay Pag-ibig
4.Ang Pag-ibig sa Bayan
5.Ang Pamilyang Pinagmulan
Lumaki sa isang ampunan si Isagani. Ang kaniyang mga magulang ay hindi binanggit sa nobela ngunit ipinakilala si Padre Florentino bilang kaniyang tiyuhin na siyang umampon din sa kaniya. Ang kanilang malinaw na ugnayan ay pinagmukhang misteryoso. Dahil may ilang mga nagsasabi na si Isagani ay anak mismo ni Padre Florentino ito mula sa kaniyang unang minahal na babae, o di kaya naman ay anak ng pinsan ni Padre Florentino
Si Isagani ay tumira sa bahay ni Padre Florentino, mula sa malayong nayon ng probinsiya na napaliligiran ng mga bulubundukin, mga ilog, kagubatan at ng dagat
. Kaya naman lumaki siyang nasisiyahan sa magagandang tanawin, pinanonood ang mga ulap habang nakaupo sa matataas na burol na natatanaw ang karagatan. Madalas niya itong gawin kung kaya naman binantaan siya ni Padre Florentino na ipapakonsulta sa doktor sa takot na nasisiraan na ito ng isip.
Explanation: pa brainliest po