Answer: Ang mga pagsubok ay makatutulong sa iyo na maging mas mabuti—anuman ang layunin ng mga ito—kung gagamitin mo ang mga ito upang umunlad sa espirituwal.
Ipaaalam ng iyong konsiyensya kung mali ang tinatahak mong landas. Kung hindi maganda ang pakiramdam mo sa isang bagay na iyong nagawa, manalangin sa Ama sa Langit at humingi ng tawad sa Kanya. Sikaping maayos ang mga problemang idinulot mo. Maaari ka ring humingi ng payo sa iyong mga magulang at lider sa priesthood. Ang mga hakbang na ito ay tutulong sa iyo na mas gumanda ang iyong nadarama at magpatuloy sa tamang direksyon.
Ang mga pagsubok na hindi bunga ng kasalanan ay makatutulong din sa iyo na maging mas mabuti. Ang ganitong mga uri ng pagsubok ay susubok sa iyong pananampalataya o pagtitiis o magtuturo sa iyo tungkol sa iyong sarili. Upang magamit ang mga pagsubok na ito sa iyong pag-unlad, tanungin ang iyong sarili kung ano ang matututuhan mo sa mga ito at ano ang mas maganda mo pang magagawa.
Ang iyong pananampalataya ay mapalalakas sa mga pagsubok kung hihingin mo ang tulong ng Ama sa Langit. Tulad ng ginawa ng Tagapagligtas noong Siya ay nagdurusa, makapagdarasal ka “ng lalong maningas” (tingnan sa Lucas 22:44). Maaaring alisin ng Ama sa Langit ang pagsubok, o palakasin ka Niya upang makayanan itong mabuti
Explanation: me try hard