Answer:
Sampung (10) Halimbawa ng Likas na Batas Moral
1. Bawal pumatay o kumitil ng buhay.
2. Bawal ang magnakaw.
3. Bawal makiapid sa hindi mo asawa.
4. Bawal tumawid sa hindi tamang tawiran.
5. Bawal yurakan ang dangal o dignidad ng isang tao.
6. Bawal ang magsinungaling.
7. Bawal husgahan ang kapwa.
8. Bawal ang makipag-away sa kapwa.
9. Igalang ang kapwa tao.
10. Ibigin mo ang Diyos.
Batas Moral (Natural Law )
Ang batas moral o natural law ay ang kakayahan na utusan ng isang tao ang kanyang sarili na tuparin ang dikta ng nasa taas upang maging maayos at payapa ang pamumuhay para sa kabutihang panlahat. Ito rin ang gumagabay sa kilos at ugali ng isang tao.
Kahalagahan ng Batas sa Lipunan
• Ang batas ay nagsisilbing instrumento ng Panginoon upang mapangasiwaan ang pamahalaan na inaasahan ng lipunan na magsasabuhay sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan.
Ang batas ay tuntunin na ginawa at ipinatupad ng pamahalaan para sundin ng mga tao at ng mamamayan.
• Ang batas ay pinagbabatayan ng anumang kautusan, desisyon o programa na ipinatutupad ng gobyerno o ng pamahalaan.
Kabutihang Dulot ng Batas
Nagagawa ng batas na mapangalagaan at maproteksyunan ang ating mga karapatan.
Nagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.
Nagiging ligtas ang bawat isa. Ginagarantiyahan ng batas ang pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga mamamayan.
Mga posibleng mangyari kung ang tao ay hindi susunod sa Batas
Maaring maparusahan ang mga taong hindi susunod sa batas, dahil ang hindi pagsunod sa batas ay may kaakibat na kaparusahan.
• Maaring makulong ang isang taong susuway at hindi susunod sa batas.
Maaring walang pag-unlad ang isang bansa kung ang mga tao ay hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na mga batas at patakaran.
Walang pagkakaisa at pagtutulungan ang isang lipunan kung ang mga mamamayan ay hindi sumusunod at susuway sa mga batas na ipinatutupad.
• Maaring gumawa ng hindi mabuting hakbang ang pamahalaan na maaring ikapahamak at ikasama ng mamamayan kung patuloy ang hindi pagsunod sa batas.
Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba;
Kahulugan ng Batas: brainly.ph/ question/1505378
Layunin ng Batas: brainly.ph/question/ 416485
#LetStudy