Answer:
Nahahati sa dalawang kategorya ang wika, ang pormal at di-pormal na wika. Ang wikang pormal ay karaniwang ginagamit at kinikilala ng mga nakakarami, ito ay angkop na ginagamit sa paaralang at opisina. Ang wikang di-pormal ay wikang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw nitong pakikipag-usap at pakikipagtalastasan
Explanation:
Mga Uri ng Wikang Pormal
1.) Wikang Pambansa - ito ang wikang ginagamit sa pamahalaan at paaralan.
2.) Wikang Pampanitikan - ito ang wikang ginagamit ay matatalinghaga at masining na kadalasanng gamit sa iba’t ibangakdang pampanitikan.
Mga Uri ng Wikang Di-Pormal
1.) Wikang Panlalawigan - Dayalekto o karaniwang sinasalita sa isang rehiyon.
2.) Wikang Kolokyal - ito ay nagmula sa pormal na mga salita na naglaon ay naasimila na dala ng mga taong gumagamitnito.
3.) Wikang Balbal - umusbong ang mga salitang ito sa mga lansangan at kadalasang ginagamit ng masa ngunit ng lumaonay ginamit na rin ng ibang tao.