Ayon sa Republic Act 11229, mga batang may edad 13 pataas lamang ang maaaring sumakay sa harapan ng sasakyan o sa tinatawag na passenger's seat.
Ano ang Republic Act 11229?
Ang Republic Act 11229 ay ang Child Safety in Motor Vehicles Act. Isinasaad sa batas na ito ang mga sumusunod:
- Inaatasan ang lahat ng may-ari ng sasakyan na gumamit ng seatbelt o sinturong pangkaligtasan kung may batang kasama sa pagbabyahe.
- Ipinagbabawal ang pag-upo ng mga batang may edad 12 pababa sa harapan ng sasakyan of front seat.
- Ang mga lalabag sa batas na ito ay magmumulta ng P1000 sa unang paglabag, P2000 sa ikalawang paglabag, at P5000 kasama ng pagsuspende ng lisensya sa ikatlong paglabag
Pinalitan ng RA 1129 ang ika-limang seksyon ng Republic Act 8750 o Seat Belts Use Act of 1999 na nagbabawal sa mga batang may edad na anim na taon pababa ang pag-upo sa front seat. Ang pagbabagong ito sa batas ay bunga ng dumaraming aksidente na nagiging biktima ang mga bata na hindi pinapagamit ng seatbelt sa sasakyan.
Tignan ang link na ito para sa iba pang detalye tungkol sa paggamit ng seatbelt:
https://brainly.ph/question/15826277
#SPJ4