Answer:
1. Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa sapagkat hindi masasabing tunay ang ating pagmamahal sa Diyos kung kinamumuhian natin ang ating kapwa. Gaya nga ng sabi sa 1 Juan 4:20-21,
"Ang nagsasabing mahal niya ang Dios ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Dahil kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya mahal, paano pa kaya niya magagawang mahalin ang Dios na hindi naman niya nakikita? Kaya ito ang utos na ibinibigay sa atin ni Cristo: ang taong nagmamahal sa Dios ay dapat ding magmahal sa kanyang kapatid."
2. Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa sapagkat sinabi ng Panginoong Hesukristo na ang pinakamahalagang utos ay "ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo", at Kanya namang sinabi na ang pangalawang pinakamahalagang utos ay "ibigin mo ang iyong kapwa tulad sa iyong sarili".
3. Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa sapagkat maipapamalas natin sa Diyos ang ating pagmamahal hindi lamang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa Kanya, kundi maging sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa ating kapwa. Halimbawa na lamang ay nagdarasal at nagsisimba ka ngunit hindi mo nais na tumulong at magbigay sa iyong kapwa. Sa sitwasyong ito, hindi mo naipamalas ang tunay na pagmamahal sa Diyos sapagkat kung ano ang ginagawa natin sa ating kapwa ay sa Diyos nagin ginagawa.
4. Sa ganitong paraan, naging ganap sa atin ang pag-ibig upang tayo ay magkaroon ng katiyakan sa araw ng paghuhukom. Ito ay sapagkat kung ano nga siya ay gayundin tayo sa sanlibutang ito. 18 Walang takot sa pag-ibig. Ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot sapagkat ang takot ay kaparusahan. Ang natatakot ay hindi pa nagiging ganap sa pag-ibig.
5. Iniibig natin siya sapagkat siya ang unang umibig sa atin. 20 Kung sinasabi ng isang tao: Iniibig ko ang Diyos, ngunit napopoot naman sa kaniyang kapatid, siya ay sinungaling. Ito ay sapagkat kung hindi niya iniibig ang kaniyang kapatid na kaniyang nakikita, paano niya maibig ang Diyos na hindi niya nakikita? 21 Ito ang utos na ibinigay niya sa atin: Ang sinumang umiibig sa Diyos ay dapat din namang umibig sa kaniyang kapatid.
Explanation:
pa follow and 5 star and heart and brainlies po