Gawain 2: Pagsusuri ng Sitwasyon Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at magtala ng mga maaaring mong gawain o ang iyong magiging pasiya. Tukuyin kung ano ang naging batayan sa pagbuo ng pasiya. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Niyaya ka ng iyong kasintahan sa kanilang bahay ngunit siya lamang mag-isa roon at wala ang kaniyang mga magulang. Ano ang iyong gagawin? 2. Tinanong ka ng iyong Tiyahin kung nais mong kumita ng pera at ipinakita sa iyo ang isang malaswang video na ayon sa kaniya ay kailangang gayahin mo. Ano ang iyong magiging tugon sa kaniya? 3. May sama ng loob ang iyong ate sa kaniyang bestfriend at dahil ikaw ay may talento sa pag eedit ng video nais niyang iedit mo ang isang malaswang video gamit ang mukha ng kaniyang bestfriend. Ano ang gagawin mo? Gabay na Katanungan 1. Naging madali ba para sa iyong gawan ng pasiya ang mga sitwasyon? Pangatwiranan. 2. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga nasa sitwasyon? 3. Kung may mga kapwa kabataan kang nahaharap sa parehong sitwasyon, ano ang iyong maipapayo sa kanila?

Answers 1

Sitwasyon

Niyaya ka ng iyong kasintahan sa kanilang bahay ngunit siya lamang

mag-isa roon at wala ang kaniyang mga magulang.

Ano ang iyong gagawin?

Pasya

Tatanggi akong sasama.

Batayan ng isasagawang pasiya

Maaaring may mangyaring masama lalo’t walang ibang taong naroroon.

Sitwasyon

Tinanong ka ng iyong Tiyahin kung nais mong kumita ng pera at ipinakita sa iyo ang isang malaswang video na ayon sa kaniya ay kailangang gayahin mo. Ano ang iyong magiging tugon sa kaniya?

Pasya

Hindi ko ito gagawin.

Batayan ng isasagawang pasiya

Maraming bagay na pwedeng pagkakitaan sa mabuting paraan. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ko dahil lang sa pera.

Sitwasyon

May sama ng loob ang iyong ate sa kaniyang bestfriend at dahil ikaw ay

may talento sa pag eedit ng video nais niyang iedit mo ang isang malaswang video gamit ang mukha ng kaniyang bestfriend. Ano ang gagawin mo?

Pasya

Sasabihin ko sa kaniya na mali ang kaniyang pasiya.

Batayan ng isasagawang pasiya

Ang pag-aaway ay naaayos. Masamang gumanti lalo na kung lubhang makakasira ito ng imahe ng iba.

1.Naging madali para sa akin ang mga pasyang aking ginawa sa bawat sitwasyon dahil ako ay napangaralan ng mga taong nakapaligid sa akin. Alam ko na kung anong mga bagay na gagawin upang iwasan ang ganitong mga pangyayari.

2.May mga napapabalitang mga ganitong pangyayari sa social media, radio at sa telebisyon.

3.Kung may mga kapwa akong nahaharap sa parehong sitwasyon, ang maipapayo ko sa kanila ay dapat muna nilang pag-isipan ang gagawing desisyon. Pag-isipan muna nila dahil maaaring ikapahamak nila ito.

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years