KAHULUGAN NG SINOPSIS:
• Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom nakalimitang ginagamit sa sa mga akdang nasatekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay,nobela dula, parabola, talumapati at iba pang anyong panitikan. Ang buod ay maaring buoin ng isangtalata o higit pa o maging ng ilang pangungusaplamang.
KATANGIAN NG SINOPSIS:
• Ang mga sinopsis ay maikli lamang ngunit naglalaman na ito ng kabuuang paliwanag tungkol sa isang paksa.
• Ito rin ay maaari gamitin sa iba’t-ibang bagay katulad lamang ng mga sine, teleserye, libro, o mga akademikong sulatin.
• Ang sinopsis ay isang ebalwasyon o pagsusuri.
Inaanalisa’t sinusuri nito ang ebidensya ng isang partikular na paksa na ginamit upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran.
• Ito ay hindi lang dapat pinutol-putol na bahagi ng isang buong teksto. Dapat ito ay malikhaing paraan ng pag hanap ng mga mahahalagang parte ng paksa sa pamamagitan ng ibang pahayag, salita, o kataga.
LAYUNIN NG SINOPSIS:
• Ito ay naglalayong makatulong sa medaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay sa akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayagng tesis mo.