Talento at Kakayahan Halimbawa: Pang-musika Pag-kanta Pag-sayaw

Answers 1

Answer:

Halimbawa ng mga Kakayahan at Talento  

Kakayahang mag-isip  

Kakayahang makapagtrabaho  

Kakayahang umibig at magmahal sa kapwa.  

Kakayahang gumalang, rumespeto at magmalasakit sa kapwa.  

Kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa mga mapanakit na tao.  

Kakayahang sumunod sa mga kautusan, patakaran at batas na ipinatutupad ng lipunan.  

Kakayahang gampanan ang mga tungkulin bilang tao.  

Kakayahang magtiwala sa sarili at sa Diyos.  

Galing sa pagsayaw, pagkanta, pagguhit, pagpipinta, paglalangoy, paglalaro ng iba't ibang isports, pagtula at marami pang iba.  

Kagalingan sa iba't ibang asignatura tulad ng Ingles (English), Matematika (Mathematics) , Siyensiya (Science) at iba pa.  

Mga Paraan kung paano Magagamit ang mga Talento at Kakayahan

1. Sumali sa mga paligsahan o patimpalaka na makakapagpaunlad ng mga natatangiang kakayahan at talento.  

Halimbawa: Paligsahan sa pag-awit, pagkanta, pagsayaw, pagpint, pagguhit at iba pa.  

2. Pagsali sa mga isports na makakapagpalinang at makakapagpahusay sa mga angking kakayahan at talento.  

Halimbawa: sa basketball, volleyball, soccer, football, swimming, badminton at marami pang iba,  

3. Huwag itago at ikahiya ang mga kakayahan at talento, dapat ito ay ipinapakita, nililinang, pinauunlad at pinagmamalaki.  

4. Ibahagi at ituro sa ibang tao ang mga taglay na kakayahan at talento.  

Halimbawa: May isang taong gustong magpaturo sa'yo ng pag-awit, pagsayaw o pagpagguhit, ibahagi at turuan mo siya na may kusang loob at hindi napipilitan lamang.  

5. Maglaan ng sapat na oras na magensayo o mapractice ang mga natatanging kakayahan at talento upang mas malinang at mapaunlad pa ang mga ito.  

Kakayahan at Talento  

Ang mga kakayahan at talento ay mga katangiang taglay ng isang tao, maaring isang biyaya ng Panginoon na maituturing na makakapagbuo ng ating pagkatao, sabi nga nila walang taong ipinanganak na walang kayang gawin at walang taglay na talento, lahat ng tao ay nagtataglay nito. Tayo lang din ang makakatuklas at kailangang makapagpaunlad nito.  

Kahalagahan ng pagpapaunlad at pagtuklas ng Kakayahan at Talento;  

Para malinang at mahulma natin ang ating mga natatanging kakayahan at talento.  

Para maipagmalaki natin sa ibang tao.  

Para may maiambag tayo sa lipunang ating ginagalawan.  

Para maipagpasalamat natin sa Panginoon.  

Para magamit natin sa pang-araw araw na pangangailangan natin.  

Ang mga angking kakayahan at talento ay maari nating maituro sa ibang tao.  

Sa pamamagitan ng ating mga kakayahan makakatulong tayo sa pag-unlad ng lipunan ating kinabibilangan.  

Para makapagbigay tayo ng inspirasyon sa ibang tao dahil pwede nila itong hangaan at tularan sa maayos at tamang pamamaraan.  

Para magamit natin ng wasto at tama ang mga kakayahan at talentong mayroon tayo.  

Para maiangat natin ang ating sarili ng may pagpapakumbaba.  

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:  

https://brainly.ph/question/2397263

brainly.ph/question/698273  

brainly.ph/question/1730441  

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years