Answer:
1. Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.
Kapag mahirap ang buhay, matuto kang pagtiyagaan ang sitwasyon.
2. Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
Kapag mabuti ang iyong kalooban, tiyak na ikaw ay pagkakalooban ng masaganang pamumuhay.
3. Kung may tiyaga, may nilaga.
Kapag matiyaga ka at masipag, paniguradong may magandang bunga ito.
4. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.
Hindi nasusukat sa kung anong mayroon ka ang kaginhawan ng iyong buhay. Ito ay nakabase sa kung gaano ka kasaya sa buhay.
5. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may kaakibat na kahirapan na kailangang lampasan.
6. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
Kapag mabuti ang iyong gawain, kailanma’y hindi ka matatakot sa mamatay at husgahan sa kabilang buhay.
7. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.
Nasusukat ang pagkakaibigan hindi lang sa ligaya kung hindi ay pati sa kalungkutan.
8. Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.
Kahit anong gawain ay matatapos o malalampasan kapag ikaw ay matiyaga.
9. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin
Kung ano ang iyong ginagawa ay siya rin ang gagawin sa’yo. Kapag ito ay kabutihan, ikaw rin ay makakatanggap ng kabutihan o gagawan ng mabuti ng ibang tao.
10. Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi maaasahan.
Tunay na hindi ka makaasa sa bata man or matanda na hindi nagsasabi ng katotohanan.