Answer:
1. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG WIKA
2. Wika: Kasangkapan sa Pagpapahayag Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.” Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.
3. Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.
4. Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.
5. Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin. Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas.