Subject:
FilipinoAuthor:
kristopherblakeCreated:
1 year agoAnswer:
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunag-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala.
Explanation:
Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks
Trade-off – ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay . Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
—
Opportunity Cost – ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ang opportunity cost ng paglalaro sa unang halimbawa ay ang halaga ng pag-aaral na ipinagpalibang gawin.
Incentives – maari ding mailarawan ito sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
“Rational people think at the margin” – Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ang isang indibidwal ang karagadagang halaga.
Author:
patsyho
Rate an answer:
0