ANSWER SHEETS IN FILIPINO VI Quarter 1-Week 2 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang angkop na sagot sa kahon. Pahina 12 1. 2. 3. 4. 5.
Ang pagsusuri o pagsisiyasat ay ang paggamit ng isipan upang alamin ang katotohanan. Ang taong mapanuri ay hindi kaagad naniniwala o nagpapadala sa naririnig, nababasa o nakikita. Hindi rin siya nagpapadalos-dalos na ibalita sa iba ang impormasyon. Tinitiyak muna niya kung tama ang mga ito at may batayan. Narito ang ilan sa mga kilos bilang palatandaan ng isang taong mapanuri: Masusing binabasa, pinakikinggan o pinanonood ang ulat o impormasyon. Inuunawa ang mga nakalap na impormasyon. Naghahanap ng iba pang panggagalingan ng impormasyon upang maihambing kung pareho at tama ang isinasaad. Inaalam kung ang source o pinagmulan ay kapani- paniwala. Nagtatanong sa marunong, eksperto o kinauukulan.