Ang WIKA ay ang pinaka importanteng uri sa isang bansa kasi ito ay ang ginagamit sa kuminikasyon, at sa pamamagitan nito naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan at saloobin sa ibang tao. Nagagamit ito sa ibat ibang aspekto ng buhay gaya ng pang edukasyon, pang ekonomiya, at panlipunan.Walang katiyakan kung saan talaga nagmula ang wika, ngunit mayroong paniniwala o kasabihan na umanong ginaya ng mga tao ang mga naririnig nilang tunog mula sa kalikasan – kaya nabuo ang wika.