Anong kuwento ang tinutukoy dito? Bilang tulong narito ang gabay sa pagsagot ng tanong:
Ang pagiging masunurin ay paraan para maipakita natin ang pagmamahal sa ating mga magulang. Nagsisilbing gabay ito para hindi tayo makapahamak at matutuhan natin ito para sa paglaki natin ay hindi tayo maliligaw ng landas. Walang ibang hangad ang ating mga magulang kundi ang kabutihan panlahat nating mga anak. Kaya pahalagahan ang lahat ng ginagawa nila para sa iyo. At tiyak na malaki ang epekto nito sa ating buhay.
Napagkasunduan na patakaran: Pagiging matapat sa lahat ng oras at hindi magsisinungaling
Ang kahalagahan ng patakaran na ito:Ito ay malaking tulong sa mga anak para magsabi sila ng totoo ay maiwasan ang paglilihim sa mga magulang. Gabay rin ito sa pamumuhay nila para mahubog sila sa tamang landas at maiwasan ang paggawa ng mga masasama tulad ng mga bisyo. Isa pa, mapapanatili nito ang magandang kaugnayan sa pagitan ng mga magulang at mauunawaan ang pinagdadaanan ng bawat isa. Matututuhan natin dito na maging tapat kahit sa maliit na bagay para masanay tayo sa pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon ng buhay natin.
Ang mga patakaran na pinagkasunduan sa loob ng pamilya ay kapaki-pakinabang sa paraan ng pamumuhay natin. Ito ay para rin sa sarili natin upang maging responsableng mamamayan tayo kapag naging adulto na. Magsisilbing patnubay rin ito upang hindi tayo mapariwara at mauwi sa kapahamakan. Hangad ng mga magulang ang kabutihan natin kahit minsan ay naghihigpit sila sa atin. Pero maaari nating tandaan na mahal nila tayo kaya ginagawa nila ang lahat para maingatan tayo.
Pahalagahan natin ang mga patakaran na pinatutupad sa loob ng tahanan. Maaarin hindi madali kung minsan ang pagsunod dito. Pero makakatiyak na ang lahat ng ito ay magdudulot ng mabubuting resulta sa pagtahak natin sa buhay. Ilan para sa mga patakaran na pinatutupad sa loob ng tahanan. (1) Pagiging mabait at magalang (2) Pagsasabi ng po at opo sa nakakatanda (3) Pag-aaral ng mabuti (4) Paggawa ng mga responsibilidad sa mga gawaing bahay (5) Makikiisa sa bawat miyembro ng pamilya (6) Pag-iwas sa awayan (7) Pagkain sa tamang oras at hindi magpapalipas
Dahil ito ay magdudulot ng kabutihang bagay sa kanila. Matututo ang mga anak na magpasakop at mailagay sa isipan lagi ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa lahat ng pagkakataon. Paraan rin ito na madisiplina sila at mahubog ang pagkatao ng kanilang mga anak sa tama at maiwasan ang paggawa ng masama na lalabag sa batas. Isa pa, nakasaad din dito ang magandang kinabukasan niya dahil kasama itong pagiging masunurin sa takbo ng pamumuhay niya sapagkat gagawa siya ng mga kinakailangan mga pagpapasiya.
Ito ang ilan sa mga patakaran sa loob ng aming pamilya na lubos kong pinapahalagahan at ang dahilan kung bakit ito ang napili ko: Mag-aral ng mabuti at gawin ang mga responsibilidad sa loob ng tahanan. Pinahahalagahan ko ang dalawang patakaran na ito dahil ito mismo ang tutulong sa akin upang unahin ko ang mas mahahalagang bagay sa buhay ko. Gayundin, magsisilbing gabay ito sa daan ng pagkamit ko ng tunguhin ko sapagkat malilinang ko ang magagandang katangian para mahubog ako sa tama. Isa pa, malaking bagay rin ito sa pamumuhay ko dahil hanggang sa ako ay maging adulto na, maaari ko parin ito madala.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/24117121
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/2412449
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/7253808
#BRAINLYFAST