Answer:
Salamat kay Nanay
Lagi lang nakaalalay
Mula pagkabata’y
Hawak mo aking mga kamay
Idolo kita
Pagkat ika’y dakila
Hindi ka man perpekto
Busilak naman ang puso mo
Sa mga panahong nagagalit ka
Ako’y sobrang nakokonsensya
Gustong-gusto kitang yakapin
Pero alam mong ako’y sobrang mahiyain
Sugat na aking natatamo
Malaki man, o maliit ito
Agad mong ginagamot
Sa mukha mo’y di nakikita ang yamot
Pawis na tumatagaktak sa noo mo,
Siguradong iyong sinasalo
Ng hawak-hawak mong bimpo
Imbis na punasan ang sariling pawis mo
Gatas na iyong tinitimpla
Pagtulog at paggising sa umaga
Ito’y hindi nakakasawa
Dahil ikaw ang may gawa
Mga damit kong puno ng mantsa
Katapat ay iyong paglalaba
Mukha mo’y parin ay masaya
Kahit mga kamay mo’y napapasma na
Habang ako’y nagdadalaga
Laging nariyan ka
Kahit minsan ay pasaway ako
Salamat Nay sa pagtitiis mo
Yung mga oras na nagalit ako sayo
Sobra-sobra ang pagsisi ko
Pagkat alam kong ako ay mali
Hindi daapat ikaw ang sinisisi
Tuwing luho ay hinihingi
Ikaw ay laging tumatanggi
Ngunit pag meron ng pera
Agad ay bumabawi
Noo’y hindi ka nakapunta sa graduation ko
Sobrang lungkot ang nadama ko
Pero alam kong kailangan na kailangan mo
Ang pag-intindi kong ito
Nung nalaman mong may gusto ako
Parati ako’y iyong tinutukso
Puso ko nama’y lumulundag ng husto
Pagkat kitang-kita ko ang suporta mo
Kapag sumasali ako sa mga paligsahan
O mga aktibidad sa paaralan
Ang suporta iyong inilalaan
Higit na aking pinasasalamatan
Sa tuwing sasapit ang gabi
Lagi akong nagmumuni
At Sinasabi sa sariling
“Salamat at natupad ang aking hiling.”
Ang hiling na ito
Ay ikaw mismo
Salamat Nanay ko
Nag-iisa ka sa aking puso
Hindi ako kumpleto
Kung mawawala ka sa buhay ko
At kapag nangyari ang pagkakataong ito
Dadalhin ko ang mga aral na pamana mo
Explanation:
Sana makatulong
pa Brainlest