Answer:
Sa isang bayan ng Imus Cavite, lumaki si Pepe, isang ordinaryo at machong lalaki. Siya ay mabait, simpleng tao at higit sa lahat inosente. Musmos pa lang si Pepe ay naulila na sa mga magulang dahil sa isang aksidente. Nakapagtapos ng pag-aaral si Pepe at maging isang magiting na pulis.
Sa unang araw ng trabaho ni Pepe, nagsimula ang kanyang misyon tungkol sa masasamang tao na may kakaibang bilis at kapangyarihan. Isang gabi, pumunta si Pepe sa teritoryo ng mga “Evil Man” . Nung pumasok si Pepe, nawalan siya ng malay at biglang may kumupkop sa kanya. Nang magising si Pepe, dinala pala siya ng mga diwata sa kaharian ng Olympus at siya ay napili bilang tagapagligtas ng mga naaapi. Binigyan siya ni Haring Zeus ng isang agimat na gagamitin niya sa pagpuksa ng kasamaan. Nagpasalamat si Pepe at siya’y ibinalik sa mundo. Nang magkamalay si Pepe sa teritoryo ng mga “Evil Man”, nilabanan niya ang mga ito gamit ang kanyang agimat. Maraming napatay si Pepe pero may mga nakatakas din na mga kalaban. May nahuli si Pepe na isang “Evil Man” at tinanong niya kung sino ang amo nila at napag-alaman niyang ang kanilang amo ay si Haring Hades. Naging matagumpay si Pepe sa kanyang unang misyon.
Sa isang madilim na kaharian ng Underworld nakatira si Hades. Pinagalitan niya ang kanyang mga kampon dahil palpak ang ginawa nila. Nalaman niya sa kanila na may isang nilalang na may taglay na agimat at siya ay makapangyarihan; tinawag nila itong Pepeng Agimat sapagkat siya ay malakas, maliksi at hindi tinatablan ng bala, patalim at maitim na mahika. Ipinatawag ni Haring Hades ang mga pinakamalakas niyang mga alagad na “Evil Man” upang paslangin si Pepe at upang maghasik ng lagim sa daigdig.
Habang naglalakad si Pepe pauwi ng kanyang bahay ay may bumukas na isang “portal” mula sa lupa at nagsilabasan ang mga ipinadala ni Hades. Ginamitan nila si Pepe ng malakas na kapangyarihan pero sa hindi pa rin tinamaan si Pep eng kapangyarihang ito. Biglang umilaw ang agimat ni Pepe at sa lakas ng ilaw na dulot nito ay nasunog ang mga “Evil Man” na umatake sa kanya. Nagtagumpay na naman si Pepe sa sitwasyong ito.
May bumukas din na isang portal na nagmula sa langit at bumaba si Haring Zeus. Nagpasalamat si Zeus kay Pepe dahil ginagamit niya ang agimat sa mabuting paraan ngunit binalaan ni Zeus si Pepe na marami pang alagad si Hades na hindi niya ipinapadala at hindi pa siya sumusuko hanggang hindi mapapasakanya ang daigdig. Nang marinig ito ni Pepe, nangako siyang sasanayin niya ang lahat ng mga technique sa paggamit ng agimat para lalo siyang lalakas at maging handa sa susunod na pagsalakay ni Hades.