Gabay sa Pagsagot:
Ina? Siya ang taong laging nandiyan para sa iyo. Ang taong kahit anu paman ang ginawa mong pagkakamali ay tanggap ka pa rin dahil di matatawaran ang pagmamahal niya sa'yo. Siya yung taong handang ibigay at gawin ang lahat para sa'yo hanggat mapapabuti ka. Hindi naman kailangang kadugo mo ang isang tao o babae siya para maging ina o ituring mo siyang ina.
Ang Ina ang ilaw ng tahanan dahil madalas silang nasa tahanan, liwanag natin sila sa lahat ng oras. Laging narian sa tabi natin kung tayo ay malungkot, masaya, o naguguluhan sa ating buhay. Nagsisilbing taga payo natin sa mga bagay na hindi alam. Siya ang humubog sa'tin sa simula ng ating pagkabata at unang salita.
Iba pang dahilan
Ang Ina ay ilaw ng tahanan dahil laging nandiyan sila para unawain tayo kahit may mga pagkakamali na tayong nagagawa. Inang tagapag alaga natin kung tayo ay may sakit. Tinitiis din nila ang pagod at sakit mapagsilbihan lamang ang kanyang buong pamilya. Sila din ang nagdala sa atin sa kanilang sinapupunan at nagtiis ng lahat ng hirap at sakit para makita ang liwanag ng mundo.
Mga responsibilidad ng bawat miyembro ng pamilya
Ama- Tagapag-protekta ng pamilya. Mapagmahal sa buong miyembro ng pamilya gaya ng pagmamahal sa sarili. Hindi nanakit ng sobra sa antas ng tamang disiplina. Tagapaglaan ng materyal na pangangailangan. Nagpapakita ng mabuting halimbawa.
Ina- May katangiang mapagpasakop o magalang sa asawa. Mapagmahal sa asawa at mga anak. Taga suporta sa mga desisyon ng asawa kung ito ay tama sa paningin ng Diyos. Nagpapakita ng mabuting halimbawa.
Anak- Maging masunurin sa mga magulang. Mag-aral ng mabuti. Tumulong sa mga gawaing bahay. Alagaan ang mga magulang at mahalin sila
Kung ikakapit ng bawat myembro ng pamilya ang kanilang mga reponsibilidad, maiiwasan sana ang pagkakawatak-watak ng pamilya na karaniwan na lang sa atin ngayon. Nakalulunkot, marami ang nahihirapang mapanatiling matatag ang pamilya sa dahil sa dami ng masasamang impluwensiya. Pero nakatutuwa, sinasabi ng Bilbiya ang mga lihim para magkaroon ng masaya at maayos na pamilya.
Kaya bakit hindi buklatin ang iyong Bibliya. Malay mo naroon pala ang mga sagot na matagal mo nang hinahanap. Marami itong maitutulong sa iyo para mas lalong lumigaya ang buhay mo. Matutulungan ka din nito na maging mapagpasalamat sa mga sakripisyo na ginagawa ng mga magulang mo.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
https://brainly.ph/question/550270
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
https://brainly.ph/question/1522608
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/2143043
#BRAINLYFAST