1. Paglilingkod sa bansa
Ang isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan ay ang paglilingkod dito. Sa halip na magtrabaho sa ibang bansa, piliin natin na tulungan ang Pilipinas. Gamitin natin ang ating lakas at talino upang mapaunlad ito. Para sa akin, ang pag-aalay ng oras sa ating bansa ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan
2. Pagtulong sa mga kababayan
Dahil ang bansa ay madalas daanan ng mga kalamidad, ugaliin natin ang tulungan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga nagiging biktima nito. Ipaglaban natin ang kanilang karapatan upang magkaroon ng pagkakapantay sa ating bansa.
3. Pagbabayad ng tamang buwis
Kung nagbabayad tayo ng tamang buwis, tiyak na maraming pera ang makokolekta ng pamahalaan para sa mga proyekto na maaaring gamitin sa ikauunlad ng bansa
4. Pagtangkilik sa sariling kultura
Gamitin natin ang ating mga sariling produkto at pahalagahan ang ating kultura at mga positibong kaugalian.
5. Pagmamalaki sa dugong Pilipino
Maging proud tayo bilang Pilipino para maipakita ang pagmamahal sa bayan.